Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon.
Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa Hulyo 23-Agosto 8 ng naturang taon, at ang 31st Southeast Asian Games 2021 sa Nobyembre 21-Disyembre sa Hanoi, Vietnam.
Kaya kayod sa kasalukuyan sa self training camp muna sa Leviste Equestrian Park sa Lipa City, Batangas ang 47-anyos, may 5-2 ang taas at tubong Maynila na dalaga sa kabila na mayroon pang COVID-19.
Isinalaysay kamakailan ng equestrienne na tumatapak pa siya sa isang hagdan upang masubukan na makasampa sa bago niyang kabayong si Flo.
“Contactless mounting. Here with Flo @mika_arroyo and her groom Mike Liwanag @edlynliwanag,” caption ni Leviste sa kanyang social media post sa levisteequestrianpark_leep sa nakalipas lang na linggo.
Isa lang siya sa mga national athlete na nasa pagkalinga ng Philippine Sports Commission (PSC) at Equestrian Association of the Philippines (EAP) na nais mag-qualify pangalawa niyang quadrennial sportsfest sa may 20 taon o pagkaraan ng 2000 Sydney kung saan lumagak siya sa ika-61 na puwesto .
Dalangin ko ang tagumpay mo Toni na makabalik sa quadrennial sportsfest. Alam ko ang gigil mo matapos ang pagsablay mo sa 2008 Beijing at 2016 London Games.
Hanggang bukas pong muli mga mahal kong mambabasa ng People’s Balita Sports. (REC)
-
Publiko pinag-iingat sa mga Istasyon ng EDSA busway
Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na sumasakay sa EDSA carousel na mag-ingat matapos na may isang tao na wala sa tamang pag-iisip ang naghurementado na may dalang patalim. Ang pangyayari ay naganap sa Istasyon ng Ortigas Avenue ng Edsa Carousel kung saan ang isang traffic marshal ay hinabol nito. […]
-
Kino-consider na pasukin din ang showbiz: KIM, mukhang pursigido talagang ligawan ni Atty. OLIVER
NAGING instant celebrity ang Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller. AyOn pa sa isang kababayan na malapit Kay Atty. Oliver ay pursigido raw ang abogado na mapalapit nang husto kay Kim Chịu. When in fact, inaalam daw madalas ni Oliver ang mga araw na bibisita si Kim sa bahay nito sa Cebu. […]
-
Checkpoint ops ng PNP palalakasin sa mga boundaries
Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirement ng national government. Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng Covid-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread […]