• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng face shield iminungkahi ni Duterte na ibalik vs Omicron variant

Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant.

 

 

Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Pilipinas ay malaking tulong aniya ito para maiwasan ang pagkalat ng virus.

 

 

Pinayuhan niya ang mga mamamayan na huwag munang itapon ang mga face shields dahil ito ay magagamit bilang doble proteksyon.

 

 

“Continue using it I advise you,” ani Pres. Duterte. “I really firmly believe that the wearing of face shield has contributed a lot.”

 

 

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay tinanggal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng face shield matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“It might be not really a well-studied proposition but I would dare say that the shield will add another layer of protection,” giit pa ng pangulo.

Other News
  • Sa Christmas concert special nila ni MATTEO: SARAH, matutupad na ang dream na maka-duet si JOSE MARI CHAN

    MATUTUPAD na ang matagal nang pangarap ni Sarah Geronimo na maka-duet si Jose Mari Chan sa magaganap na Christmas concert special nila ng mister na si Matteo Guidicelli na Christmas With The G’s.     Ayon kay Sarah, paborito niyang Christmas song ang “Christmas In Our Hearts” noong bata pa siya kaya lagi niya itong […]

  • GABBI, ipinamalas ang husay sa pagiging licensed scuba diver

    MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal life si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia.   Blessed talaga si Gabbi dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relasyon kay Khalil Ramos.   Kaya ba blooming na bloom- ing ang aura ni Gabbi […]

  • Saso Athlete of the Year

    NAPILI ang sumisibol na pambato ng bansa sa women’s professional golf na si Yuka Saso bilang 2020 Athlete of the Year sa virtual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association sa Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City.     Sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 o pandemic, naging inspirasyon ng mga kababayan ang […]