GABBI, ipinamalas ang husay sa pagiging licensed scuba diver
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal life si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia.
Blessed talaga si Gabbi dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relasyon kay Khalil Ramos.
Kaya ba blooming na bloom- ing ang aura ni Gabbi kapag napapanood siya nang live sa All-Out Sundays at sa kanyang mga photos at YouTube vlog?
Kamakailan lang din ay ipinamalas ni Gabbi ang husay sa pagiging isang licensed scuba diver sa naging date nila ni Khalil sa Dive & Trek Resort sa Balayan Bay sa Bauan, Batangas. Tinuruan ni Gabbi si Khalil sa basics ng pagda- dive, kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan.
Ten years old pa lamang pala si Gabbi ay naging licensed scuba diver na siya, pero may inamin din siya tuwing mag-i- scuba diving siya.
“I’ve been a licensed Scuba Diver since 2010, but every dive still gives me goosebumps. Marine life is so PRECIOUS,” sabi ni Gabbi. “I’m also happy that @khalilramos and my friends had their very first intro dive!”
Masaya si Gabbi dahil ngayon ay pwede na muling magbiyahe sa ilang lugar sa bansa, pero sinusunod daw nila ang mga health protocols bilang pag-iingat na rin niya sa sarili at sa mga kasama niya.
Patuloy pa ring napapanood si Gabby sa rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad at sa Sunday noontime show na All-Out Sundays. (Nora V. Calderon)
-
EJ Obiena patuloy ang arangkada sa 2023
INANGKIN ni 2020+1 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” Obiena ang unang gintong medalya ngayong taon sa Golden Perche En Or Sabado sa Stab Velodome sa Roubaix, France. Nalampasan ng 27-anyos at kasalukuyang World No. 3 na si Obiena ang taas na 5.82 metro upang agad maitala ang season best nito sa ikalawang torneo pa […]
-
DSWD, tiniyak na walang magiging problema sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ni ‘Florita’
TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang magiging problema sa kanilang pamamahagi ng tulong para sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Florita. Sa ulat ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, sa kasalukuyan kasi ay nasa Php 760 million pa ang halaga ng quick response fund ng kagawaran mula […]
-
Ads March 24, 2023