• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5K, makukuha ng bawat pamilyang apektado ng bagyong Odette

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat pamilya na apektado ng bagyong Odette.

 

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mayroon namang sapat na pondo para sa cash aid sa mga Odette-hit families.

 

“There are many of the poor who were affected. We will prioritize them. We have money, anyway,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I will give the usual. I’m giving P5,000 per family.”

 

Nauna rito, sinabi ng Chief Executive na isinantabi niya ang kanyang holiday activities dahil mas pinili niyang magbigay ng financial assistance sa mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Odette.

 

Wala ring holiday ang mga sundalo at pulis upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang distribusyon ng grants at mananatiling masusunod ang health protocols dahil sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • ‘BIDA’ fun run ng DILG, umarangkada

    UMARANGKADA  na ang “Buhay ­Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan’ fun run na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Mall of Asia (MOA) grounds sa Pasay City.   Mismong si Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang nanguna sa isang aktibidad na nilahukan ng libu-libong runners mula sa iba’t […]

  • Na-trigger sa comment ng netizen sa pagla-like ng ‘cheating post’: CARLA, ibinuhos na ang lahat ng galit pero nanahimik lang si TOM na durog na durog

    TAHIMIK pa rin ang actor na si Tom Rodriguez sa mga pinakawalang statement ng actress na si Carla Abellana laban sa kanya.       Napakahaba nang naging statement ni Carla bilang sagot sa isang netizen sa kanyang Youtube vlog. Ang comment ng netizen ay ang tungkol sa pagla-like ni Carla sa “cheating” post ni […]

  • ALICE, nakapag-vaccine na at balak nang bumalik kasama ang baby sa kabila ng mataas na Covid-19 cases

    MALAPIT na ring mapanood sa GMA Telebabad ang Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres.     Malamang na iyon ang reason kaya nag-post na si Alice sa kanyang Instagram na babalik na siya sa bansa from Canada, kasama na ang kanyang baby na tinawag lamang niyang Baby A, through […]