• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nangako ng pabahay, pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga Odette-hit areas

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa na magbibigay ng housing assistance at tiyakin na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay kasiguraduhan ang Pangulo sa ginawa nitong pagbisita sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol, araw ng Linggo.

 

“In Argao, Cebu, the President interacted with the local government officials and evacuees in the area. He instructed Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario to provide housing assistance to residents whose places of residence have been damaged by the typhoon,” ayon kay Nograles.

 

“President Duterte likewise instructed Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi to call on the private sector to help and encourage gas stations to open and operate. In addition, the DOE is working double time to restore energy in Cebu,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, noong panahon na binisita ni Pangulong Duterte ang Cebu, naibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng lalawigan para magamit ang mga ospital.

 

Idagdag pa rito, naglaan ang Department of Agriculture ng P445 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon kung saan ang mga ani ay sinira ni bagyong Odette.

 

“President Duterte underscored that while the effects of the typhoon is devastating even as the country continues its battle against COVID-19, the government must help because people need help,” ayon kay Nograles.

 

“He then committed that the national government will urgently provide for the needs of typhoon-hit areas and their residents, which include rice and water, construction materials for rebuilding of damaged houses, and housing assistance, with topmost priority given to the poor,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • BEA, super excited sa pagkakasama sa annual Christmas Station ID ng GMA-7; netizens iba-iba ang naging reaksyon

    SUPER excited nga si Bea Alonzo sa pagkakasama niya sa taunang Christmas Station ID ng GMA-7.     Nag-post si Bea ng photos sa kanyang IG account kasama ang caption na, “First time to be a part of the GMA station ID, and I had a blast shooting with the team! Watch out for the […]

  • Sixers, pinutol ang 7-game winning streak ng Clippers

    Nagbuhos si Joel Embiid ng 36 points at 14 rebounds para tulungan ang Philadelphia 76ers na pahiyain ang Los Angeles Clippers, 106-103.     Nagawang putulin ng 76ers ang pitong sunod-sunod na panalo ng Clippers para magpantay na sila sa tig-39 na panalo ngayong season.     Nabaliwala rin naman ang ginawang kayod nina Paul […]

  • PGH, handa nang tumanggap ng kahit na anong brand ng Covid- 19 vaccine

    HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine.   “Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi. […]