• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PGH, handa nang tumanggap ng kahit na anong brand ng Covid- 19 vaccine

HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine.

 

“Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi.

 

“We all know that if the FDA gives any vaccine the EUA, the safety and efficacy are assured,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.

 

Ang Sinovac vaccines na dinonate ng Chinese government ay inaasahan na darating sa araw ng Linggo, Pebrero 28.

 

Sinabi ni Dr. Legaspi na inihanda na ng PGH ang infrastructure at logistical requirements para sa bakuna.

 

“I think the important thing to remember here is whatever vaccine comes, we should welcome it because it will definitely make a difference in helping control the spread of this infection,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, sinabi ni Dr. Legaspi na ang  94% ng PGH personnel ay nagpahayag na ng kahandaan na mabakunahan.

 

“Bago pa man po malaman ng mga tao ng PGH noong early January kung anong bakuna ang darating, ang aming initial survey… 75% are willing to have the vaccine, so I hope we still get that 75% of our population and it will still be a good number,” aniya pa rin.

 

Pinawi naman ni Dr.Legaspi ang pangamba ng publiko na ang Sinovac vaccine ay magbibigay lamang ng maliit hanggang sa walang proteksyon para sa mga health workers.

 

Giit nito, ang mga bakunang inaprubahan ng FDA ay ang Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac— na aniya’t nag-aalok ng 100% protection laban sa COVID-19.

 

“Hindi naman porket nabakunahan ng Sinovac ay walang proteksyon. Ang ibig lang sabihin, ang proteksyon niya ay hindi as high to prevent mild symptoms from occurring, which probably magiging dahilan to para hindi makapasok ang HCWs sa ospital,” ang pahayag ni Dr. Legaspi.

 

“Siguro ‘yun ang basis ng FDA para sabihin na hindi siya ideal para sa healthcare workers dahil kahit mild symptom, hindi sila papasok pag nagkaroon sila ng mild symptom at mababawasan ang manpower sa ating ospital,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.

 

Samantala, hindi naman inirerekumenda ng FDA ang Sinovac para sa mga health workers bunsod ng mababang efficacy rate na 50.4% para sa nasabing grupo subalit maaari pa rin naman aniyang magpabakuna ng mga ito kung kanilang gugustuhin.

Other News
  • Ads May 27, 2022

  • ₱95 billion expressway project ng Pasig River, bubuhayin ng SMC

    Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) nitong Huwebes ang planong pagbuhay sa Pasig River bilang bahagi ng ₱95.4 billion Pasig River Expressway (PAREX) project.   “Not only will we be building a much-needed direct link between eastern and western Metro Manila, we will also be leading a historic effort to bring the Pasig River back […]

  • 3 timbog sa drug buy bust sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinabagsakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Adan Antoni, 38, construction worker, Judy Estuaria, […]