• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘1st Sunday’ ng 2022: 4,600 bagong COVID-19 cases, naitala sa PH; 25 bagong patay

Mula sa 3,617 sa unang araw ng bagong taon kahapon, tumaas sa 4,600 na bagong COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) cases ang naitala sa Pilipinas ngayong araw.

 

 

Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), 21,418 na ang bilang ng aktibong kaso kung saan 769 ang asymptomatic o walang sintomas, 15,644 ang mild, 3,081 ang moderate, 1,589 ang severe o malubha, at 335 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

 

 

Sa 4,600 na napaulat na bagong kaso ngayong araw, sinabi ng DOH na 4,548 o 99 percent ang naitala noong Disyembre 30, 2021 hanggang Enero 2, 2022, dahilan para umakyat na sa kabuuang bilang na 2,851,931 ang COVID cases sa bansa.

 

 

Ang mga rehiyon na mayroong pinakamaraming naitalang bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 3,279 infections, Region 4-A na may 676, at Region 3 na may 252.

 

 

Sinabi rin ng DOH na ang recoveries sa ngayon ay pumalo sa 535, kaya umakyat naman ang kabuuang bilang nito sa 2,778,943.

 

 

Ang bagong fatalities naman ay 25, kaya ang death toll sa ngayon ay pumalo na sa 51,570. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, labis na ikinalungkot ang pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc

    LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang napaulat na tatlong mangingisda ang nasawi matapos banggain ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.     Ang insidente ayon sa Pangulo ay kasalukuyan nang iniimbestigahan.     “We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain […]

  • Incentives ni Onyok Velasco na P500,000 naibigay na – Palasyo

    Naibigay na ng gobyerno ang inaasam na pagkilala kay 1996 Atlanta Olympic silver boxing medalist na si Mansueto “Onyok” Velasco.     Kasama kasi si Velasco na binigyan ng parangal kasabay ng mga nagwagi sa 2020 Tokyo Olympics.     Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naggawad ng Order of Lapu-Lapu, rank of Kamagi at […]

  • Non-essential travel muling sinuspinde

    Muling sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management for Emerging Infectious Diseases ang non-essential travels o mga hindi importanteng biyahe palabas ng bansa.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang kumpanya lamang ang pumayag na magbi­gay ng travel at health insurance na isa sa mga requirements para makalabas ng bansa.   Nais […]