• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Djokovic umatras na sa paglahok sa ATP Cup

Umatras na si tennis star Novak Djokovic sa pagsali sa 2022 ATP Cup sa Sydney.

 

 

Kinumpirma ito ng organizer ng nasabing torneo kung saan ang Team Serbia ngayon ay pangungunahan na ni world number 33 Dusan Lajovic.

 

 

Maraming tennis fans naman ang nanghinala sa vaccination status ng 34-anyos na Serbian tennis player kaya nag-aalangan na ito makabiyahe sa Australia.

 

 

Noong nakaraang buwan kasi ay nagpahayag si Djokovic ng pagkontra sa pagpapabakuna kung saan mismo ang ama nito ang nagsabing hindi na sasabak ang anak sa nasabig torneo.

 

 

Nag-organisa na rin kasi ang Tennis Australia ng charter flights para madala ang mga international players sa Melbourne at Sydney sa pagsasagawa nila ng mga warm-ups.

 

 

Ilan sa mga maagang nakarating na sa Australia ay si women’s Australian Open Champion Naomi Osaka.

Other News
  • Valenzuela, DSWD namahagi ng livelihood grants sa mga biktima ng sunog

    NAKATANGGAP ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang mga biktima ng sunog sa barangay Arkong Bato at Malinta mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian.     Ang LSG ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and […]

  • COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA

    PATULOY ang pag­baba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group.     Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus.     Batay sa inila­bas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba […]

  • Toll rates sa NLEX, Cavitex tumaas

    SINIMULAN kahapon ng pamunuan ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) at NLEX Corp na siyang mga subsidiaries ng Metro Pacific Tollways Corp. ang pagtataas ng toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX) at Manila-Cavite Expressway (Cavitex).       Sinabi ng NLEX na binigyan sila ng go-signal ng Toll Regulatory Board (TRB) para sa kanilang petition […]