ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022
- Published on January 6, 2022
- by @peoplesbalita
AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.
Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang career at personal life sa nagdaang taon, at malaki nga ang pasasalamat niya sa Diyos na nalampasan niya ang matinding pagsubok na may kinalaman sa kanyang health condition.
Sagot ni Andrew, “I’m so happy. First of all, naibalik ako sa aking good health wherein one and a half years ago, I got hospitalized and nagkaroon ako ng operation sa aking lower shoulder.
“And du’n pa lang nagpapasalamat na ako na nailigtas ako du’n and at the same time naibalik pa ang aking kalusugan and more so.
“Often I’m thinking na nagpapasalamat din ako sa Panginoon na nabiyayaan din ako ng biyayang hindi natatanggap ng karamihan. So para sa akin doon pa lang nagpapasalamat na ako for 2021.”
Dagdag pahayag ni Andrew sa virtual mediacon para sa sexy-comedy na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 na kasama sina Janno Gibbs at Dennis Padilla, “pagdating sa career naman, in-embrace ako ng mga kabataan.
“The mere fact na yung mga lumang kanta ko from 14 to 17 years ago na tini-TikTok na million ang views, natutuwa ako na kahit luma yung kanta ko and kahit hindi ako active sa social media, eh talagang ina-appreciate ng mga kabataan na yun ang aking music.
“To the extent na Viva made a way na magkaroon pa ng pelikula under those titles which is yung ‘Shoot! Shoot!’ and at the same time itong ‘Aussie Aussie’ na under sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo. So du’n pa man ay pasalamat na ako talaga.
“2021 is so great for me and I’m looking forward to a very bright and a very energetic 2022.”
Sa Amerika nga nag-celebrate ng New Year ang pamilya ni Andrew na kung saan sa pamosong Universal Studios nila sinalubong ang 2022 na kasamang bonggang concerts.
Samantala, nasa number one slot pa rin ng Top 10 ng Vivamax ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! na kung saan kasama sa cast sina Pepe Herrera, Juliana Parizcova Segovia, Rose Van Ginkel, Ali Forbes, Stephanie Raz at Angela Morena, mula sa direksyon ni Al Tantay.
At para sa opening salvo ng Vivamax for 2022, streaming na sa January 7 ang Siklo nina Vince Rillo at Christine Bermas sa direksyon ni Roman Perez Jr at sa January 14 ang isa pang movie niya na Hugas na pagbibidahan naman nina AJ Raval, Sean de Guzman at Jay Manalo.
Naka-line up din for streaming this month ang Reroute (January 21) nina John Arcilla, Cindy Miranda, Nathalie Hart at Sid Lucero. Mula naman ito sa direksyon ni Lawrence Fajardo.
Sa January 23 ang simula ng streaming ng GL series na Lulu na hatid ni Sigrid Andrea Bernardo na magtatampok kina Rhen Escano, Rita Martinez, Rachel Coates at Ivan Padilla.
Mapapanood na rin sa wakas ang much-awaited reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, dahil sa streaming na ang Deception sa January 28 at sa direksyon naman ni Joel Lamangan.
Sa January 28 din muling magpapainit si Angeli Khang after ng Eva sa isa na namang erotic drama na sinulat ni Ricky Lee at dinirek ni McArtur C. Alejandre, ang Silip Sa Apoy na kung saan makakasama niya sina Paolo Gumabao at Sid Lucero.
(ROHN ROMULO)
-
ARIELLA, naniniwalang mapapansin si BEATRICE sa ‘70th Miss Universe’; maraming kagimbal-gimbal na eksena sa ‘Sarap Mong Patayin’
NATANONG si Ariella Arida sa virtual mediacon ng launching movie niya sa Viva Films, ang Sarap Mong Patayin kasama sina Kit Thompson at Lassy Marquez, tungkol sa chance ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa 70th Miss Universe na gaganapin sa December 2021 sa Eilat, Israel. Naniniwala ang 3rd Runner-up sa 2013 […]
-
Ilang bagong opisyal, nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos
KINUMPIRMA ng Presidential Communications Office o PCO na nanumpa na ang mga bagong opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC) at iba pang ahensya ng pamahalaan. Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, nanumpa na bilang chairperson ng NAC si Atty. Leah T. Armamento, kasama ang mga commission members na […]
-
Operasyon ng mga power generation plant sa Albay, nananatiling normal – Malakanyang
NANANATILING normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng Albay. Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag- uusapan ay power supply. Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant. […]