• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: 70 percent maximum kapasidad sa mga PUVs ipapatutupad pa rin

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling 70 na porsiento ang maximum na kapasidad ang ipapairal sa mga public utility vehicles (PUVs) ngayon nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.

 

 

Mahigpit na pinagutos ng DOTr sa mga pampublikong sasakyan sa lupa at sa mga stakeholders na ipatupad ang nasabing batas sa National Capital Region.

 

 

Inutusan ng DOTr ang mga kumpanya ng mga buses at PUV operators kasama ang mga transport terminals sa NCR na mahigpit na ipatupad ang health protocols habang ang Metro Manila ay nasa Alert Level 3 hanggang January 15 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

“The 70 percent maximum passenger capacity would remain in the NCR to keep pace with the demand for public transport services,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Sinabi rin ni Tugade na kung magkakaron ng mga pagbabago sa pinayagang maximum na kapasidad sa pampublikong transportasyon, ang DOTr ay susunod pa rin sa pinatutupad na regulasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

 

“With the continued rise of COVID-19 cases in NCR, the DOTr enjoins our land-based transport operators to remind passengers to strictly observe minimum health protocols and ensure that the maximum allowable passenger capacity is followed,” dagdag ni Tugade.

 

 

Ayon pa rin sa kanya na hindi dapat tayo maging kampante sa pagsunod sa mga pinatutupad ng pamahalaan na minimum health protocol dahil ito naman sa atin rin na ikabubuti. Dapat lang tayo ay maging mapagmatyag upang bumaba ang  kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Kaya nagsimula na naman ang mga police at traffic enforcers na manghuli ng mga hindi sumunod sa nasabing patakaran. Noong Lunes pa pinatupad ang 70 porsiento na kapasidad sa mga PUVs.

 

 

Kamakailan lamang ay may nakitang video habang ang isang jeepney ay pinahihinto ng mga traffic enforcers subalit ito ay kumarepas ng takbo. Ang iba naman mga drivers ng buses, UV Express, at iba pang pampublikong sasakyan ay humihinto habang ang mga inspectors ay tinitingnan kung sila ay sumusunod sa 70 na porsientong kapasidad.

 

 

Sinasabi ng mga ibang drivers na hindi nila alam na 70 porsiento ang pinapayagan lamang na maximum na kapasidad ng mga PUVs.

 

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagbigay ng isang memorandum noong Jan. 2, sa mga land-based transportation stakeholders na dapat nilang subaybayan ang kanilang mga drivers at conductors upang masiguro na sila ay sumusunod sa minimum health protocols lalo na sa 70 na porsiento ng kapasidad ng mga PUVs.

 

 

“We warned that the non-observance of health protocols onboard PUVs or violation of 70% maximum passenger capacity order are considered violations of franchise conditions. Penalties for violating PUV franchise conditions range from hefty fines to the impounding of the involved PUV,” ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra.

 

 

Maaari rin masuspend ang driver’s license kung hindi sila susunod sa nasabing pagpapatupad ng minimum health protocols. LASACMAR

Other News
  • Heat players Adebayo at Dragic kuwestiyonable pa ring makapaglaro sa Game 4

    LABIS pa ring umaasa sina Miami Heat players Bam Adebayo at Goran Dragic na payagan na sila ng kanilang mga team physician na makapaglaro sa Game 4 NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.   Sa ngayon kasi ay question- able pa rin ang status ni Adebayo dahil sa neck strain habang si Dragic ay […]

  • Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga.       Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. […]

  • Buntis na mga batang ina, lumobo – PopCom

    NAALARMA ang Commission on Population and Development (PopCom) sa patuloy na pagdami ng mga kabataan na nabubuntis sa murang edad pa lamang.   Ayon kay USec. Juan Antonio Perez III, Executive Director ng PopCom, sa kasalukuyan ay nasa edad 10 – 14 taong gulang ang nabubuntis na mga kabataan dahil na rin sa kakulangan ng […]