• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALAK, BAWAL MUNA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO

IPAGBABAWAL muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quiapo , ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso

 

 

Ito ay matapos lagdaan ng alkalde ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan.

 

 

Magsisimula ang liquor ban sa Enero 8 ng alas-sais ng umaga hanggang Enero 10 ng alas-sais din ng umaga.

 

 

Apela ng alkalde sa publiko sa nasabing Kapistahan na wala munang inuman hanggat maari at makiisa sa gobyerno  upang maiwasan ang  pagkalat ng COVID-19 lalo na ngayong tumataas ang mga kaso dahil sa Omicron variant.

 

 

Nanawagan din ang alkalde sa mga deboto na maaring sa bahay na lamang magdasal at huwag nang magtungo pa sa Simbahan dahil  aniya para rin  sa kanilang kapakanan at kalusugan.

 

 

Inaasahan aniyang dadagsa ang mga deboto kaya naman nakikiusap ito na makiisa ang bawat isa dahil  may mga itatalaga rin aniyang mga kapulisan sa paligid ng Quiapo upang magbantay at mapanatiling nasusunod ang health protocol .

 

 

Napagkasunduan na rin ng pamahalaang lungsod at pamunuan ng simbahan na walang physical mass ngunit mayroon namang online mass.

 

 

Sa pangalawang pagkakataon, suspendido pa rin ang Traslacion dahil pa rin sa banta ng COVID-19.  (GENE ADSURA)

Other News
  • Hard to tell yet- Herbosa

    SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections.     Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa […]

  • NDRRMC naghahanda na para sa Bagyong Siony

    NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa Bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa Bagyong Rolly.   Kahapon pinulong ng council ang mga Regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa Severe Tropical Storm “Siony.”   Base sa latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric, […]

  • Motorbikes, main road killer sa Metro Manila nang taong 2019

    HALOS marami pa sa kalahati ng 394 na road crash deaths ang naitala noong nakaraang taon na motorbikes ang dahilan kung kaya’t sila ang tinatawag na main killer sa kalsada sa nalikom na data mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Sa isanglates report mulasa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), may […]