• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NDRRMC naghahanda na para sa Bagyong Siony

NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa Bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa Bagyong Rolly.

 

Kahapon pinulong ng council ang mga Regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa Severe Tropical Storm “Siony.”

 

Base sa latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), as of 4:00 AM ngayong araw ang sentro ni Siony ay namataan 595 km East sa Basco, Batanes na may maximum sustained winds na 95 km/ h at may gustiness na 115 km/h.

 

Inaasahang maging typhoon si Siony na may peak intensity of 120 km/h bukas ng umaga November 6, 2020 habang binabaybay nito ang Batanes-Babuyan Islands area.

 

Kabilang sa tinalakay sa pulong kahapon ay ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na highly susceptibility sa storm surge, floods at landslides; dissemination of warnings sa mga lugar na maaapektuhan; prepositioning of food, non-food items at mga gamot sa ibat ibang strategic locations, activation ng medical teams mula sa DOH para sa posibleng deployment.

 

Naglabas din ang NDRRMC ng direktiba sa mga RDRRMC member agencies at LDRRMCs para itigil muna ang mining activities, tourism activities, at quarrying.

 

Iniulat naman ng Cordillera RDRRMC, na nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga flood and landslide prone areas sa Probinsiya ng Apayao, Kalinga, at Benguet.

 

Samantala, nagpulong din kahapon sa NDRRMC na pinangunahan ni DSWD Asec Encabo.

 

Dumalo din sa nasabing pulong ang UN Humanitarian Country Team kung saan pinag-usapan ang paghahanda sa pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Supertyphoon Rolly.

Other News
  • Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas

    Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark.     Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas.     Umaasa naman si Samahang Basketball ng […]

  • Kaso ng COVID-19, sisipa ngayong taglamig – WHO

    INAASAHAN  na ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng mga bagong kaso sa iba’t ibang panig ng mundo sa mas malamig na panahon na magiging dahilan ng indoor activities habang nasa ilalim ng pinaluwag na health protocols.     Sa lingguhang briefing, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ilang bansa na sa Europa […]

  • Ikinonek sa mga Pinoy, para maraming maka-relate: VINCE, nag-sorry sa pamilya Aquino dahil ‘di biopic ang ‘Ako Si Ninoy’

    NATUTUNGHAYAN na ngayon (Feb. 22) sa mga sinehan ang ‘Ako Si Ninoy’ ng Philstagers Films, ang second musical film na sinulat at dinirek Vince Tañada pagkatapos ng ‘Katips’. Ang ‘Ako si Ninoy’ ay unang naging matagumpay na stage musical play bago ito isinalin sa pelikula at in-adjust para sa bagong henerasyon Hindi lang tungkol sa […]