‘Poblacion Girl,’ 8 pa kinasuhan na ng PNP
- Published on January 7, 2022
- by @peoplesbalita
Sinampahan na ng reklamo ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Makati Prosecutor’s Office ang tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua at walong iba pa.
Kasong paglabag sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang isinampa kina Chua.
Bukod kay Chua, kinasuhan din ang ama nitong si Allan Chua; inang si Gemma Chua, at nobyong si Rico Atienza.
Damay din ang limang staff ng Berjaya Hotel Makati na sina Gladiolyn Blala, hotel resident manager; Den Sabayo, assistant resident manager; Tito Arboleda, security manager; Esteban Gatbonto, security/doorman; at Hannah Araneta, front desk/counter personnel.
Hindi naman kinasuhan ng CIDG ang mga close contact ni Chua pero inirerekomenda at hinihikayat nila ang mga ito na maghain ng reklamo laban sa dalaga.
Base sa CCTV footage, sinundo si Chua ng kanyang ama noong Disyembre 22 at bandang alas-9 ng gabi na noong Disyembre 25 bumalik ng hotel sa tulong ng kanyang ina.
Dagdag pa ni Silvio, dapat ay agad na inireport ang ginawa ni Chua upang agad na na-quarantine.
Samantala, sinuspinde na ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng Berjaya at binawi rin ang permit bilang Multiple-Use Hotel dahil sa kabiguan na mapigilan si Chua.
Pinagmulta rin ang Berjaya na katumbas ng doble ng rack rate ng pinakamahal nitong kuwarto.
May 15-working days ang hotel na umapela sa isinilbing desisyon ng DOT.
Sinabi ng DOT na ang public apology ng Berjaya ay isang pag-amin sa insidente at sa kanilang pagkukulang na gawin ang responsibilidad. (Daris Jose)
-
Paglikha ng mga bagong Korte, ikinagalak ng SC
IKINAGALAK ng Korte Suprema ang paglikha ng mga bagong dagdag na 60 Korte sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ayon sa SC, ang paglikha ng mga bagong Korte ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Republic Act 12044 hanggang Republic Act 12054. Sinabi rin ng SC na mapapabilis nito […]
-
Salary increase ng teachers sa 2021 tiniyak ng DepEd
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang kanilang salary increase na kabilang sa 2021 national budget. Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa P475 bilyon ang inilaan sa mga serbisyo ng ahensya kabilang na angf sahod, allowance at mga benipisyo ng kanilang mga empleyado. “By next year meron naman pong salary increase. Ito […]
-
Ibinida rin ang first piano recital ni Zia: DINGDONG, pinasalamatan si MARIAN at tinawag na ‘incredible woman’
KAPURI-PURI talaga ang mga ginagawa ni Marian Rivera, lalo na pagdating sa kanilang pamilya, kaya naman tinawag ni Dingdong Dantes ang kanyang misis na isang ‘incredible woman’. Sa Instagram post ng Kapuso Primetime King noong May 1, ibinahagi niya ang mga larawan ng asawa na kung saan nagpa-pack ito ng mga goodies para […]