• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kakaibang poster ng inaabangang teleserye nina JODI, pinanggigilan ng netizens

MARAMI ang nagandahan sa pinost na poster ng Dreamscape Entertainment sa kanilang IG account bukod pa trailer na unang nilabas.

 

 

May caption ito na, “Itataas na natin ang gigil level ngayong 2022!

 

 

#TheBrokenMarriageVow starring Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla and Jodi Sta. Maria. Directed by Connie Macatuno and Andoy Ranay. Simula ngayong JANUARY 24 na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at TFC!”

 

 

Meron din namang netizens na nagulat sa poster na bakit daw may vibe ng ‘Orphan’ movie kaya lumalabas na para itong horror o thriller at hindi basta-basta kabitserye lang.

 

 

Narito ang iba’t-ibang comment nila:

 

 

“Bakit parang mas mukhang horror movie poster siya?”

 

 

“Aahhmmm kasi medyo dark ung theme ng palabas? Hindi lang sya basta kabitserye.”

 

 

“Weird ng poster unlike sa Korean na sensual.”

 

 

“Mukang horror movie. Kaloka naman kasi I like Jodie pero di ko talaga bet yung role sakanya.. Plus yung eyebags.”

 

 

“Like. Pang word class!!”

 

 

“Ganda. Artsy siya.”

 

 

“Lakas maka Orphan ng poster. Maganda ang poster infairness, pero nakakasawa na talaga si Jodi! Yearly, may teleserye sya pati na rin sina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo.”

 

 

“Reminds me of ‘Eerie’ poster.”

 

 

“Psycho/Horror dating. Tapos themesong ‘Broken Vow’ ni Lara Fabian.”

 

 

“Actually maganda for me. At least hindi lungkut lungkutang wife.”

 

 

“Gets ko na ba’t ginawa nilang ganyan ang hairdo ni Jodi. A woman’s hair is her crowning glory. Pang-justify ba’t nagloko ung asawa nya haha.”

 

 

“Maganda! Pero napakaliteral haha, rose-marriage-broken-basag. In fairness may impact.”

 

 

Ilang linggo na nga lang ang hihintayin para matunghayan na ang inaabangang unang pasabog ng Kapamilya Network ngayong 2022.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DOH, pinaiiwas muna ang publiko sa paggamit ng ‘torotot’ sa bagong taon

    Sabay-sabay pinatunog ng ilang opisyal ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ang kanilang mga kaldero at ilan pang gamit sa bahay bilang hudyat ng kampanyang “Iwas Paputok ngayong Holiday Season.”   Pitong alternatibo ang inilatag ng DOH para maging gabay ng publiko na magdidiwang ng pasko at sasalubong sa bagong taon.   […]

  • Para-athletes ng bansa may courtesy call kay Pangulong Marcos

    NAKATAKDANG magsagawa ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga para-athletes ng bansa na sumabak sa katatapos ng 2024 Paris Paralympics.     Gaganapin ang heroes welcome sa darating na Huwebes Setyembre 12 ng hapon.     Sinabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, nais lamang ipakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr […]

  • Guidelines sa holiday pay sa buwan ng Nobyembre, inilabas ng DOLE

    Ngayon pa lamang ay nagpaalala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers kaugnay ng tamang pagpapasahod sa kanilang mga empleyado para sa mga holidays sa Nobyembre.     Kabilang na rito ang All Saints’ Day sa November 1, All Souls’ Day sa November 2 at Bonifacio Day sa November 30.   […]