• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, pinaiiwas muna ang publiko sa paggamit ng ‘torotot’ sa bagong taon

Sabay-sabay pinatunog ng ilang opisyal ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ang kanilang mga kaldero at ilan pang gamit sa bahay bilang hudyat ng kampanyang “Iwas Paputok ngayong Holiday Season.”

 

Pitong alternatibo ang inilatag ng DOH para maging gabay ng publiko na magdidiwang ng pasko at sasalubong sa bagong taon.

 

Kabilang na dito ang pagpalo ng tambol, pagpapa-ilaw ng glow sticks, pagbusina, pagpukpok ng mga kaldero, pag-alog ng alkansya, pagkumpas ng tambourine, at pagpapatugtog nang malakas.

 

Ayon sa ahensya, hindi muna nila inirerekomendang gamitin ng publiko na pagpa-ingay ang mga torotot.

 

“Huwag po tayong gagamit ng pampaingay na gumagamit sa bibig that will cause the tranfer of saliva. So ‘yung mga pito (whistle), ‘yung mga torotot, bawal po ngayon ‘yan. Kailangan naka-mask pa rin at nagsosocial diatancing,” ani Health Usec. Myrna Cabotaje.

 

Sa tala ng DOH, nabawasan ng 35% ang fireworks-related injury mula December 21, 2019 hanggang pagpasok ng January 1, 2020.

 

Mababa raw ito ng 87 kaso mula sa total na 251 cases nang salubungin ang 2019.

 

Numero unong sanhi ng mga insidente ang pagpapaputok gamit ang kwitis, lusis, fountain at piccolo.

 

May mga umiiral nang memorandum circular ang Department of Interior and Local Government (DILG) alinsunod sa Republic Act 7183, na naghihigpit sa manufacturing, pagbebenta, at paggamit ng firecrackers at iba pang uri ng paputok.

 

Sa ilalim ng batas, pinagtatakda ang bawat lokal na pamahalaan ng designated area kung saan lang pwedeng magsindi ng paputok ang mga residente.

 

“It is the mandate of the LGUs to protect their constituents, promote their general welfare, and ensure that their fireworks-related local ordinances, are will implemented and followed by their constituents,” ani Interior Asec. Odilon Pasaraba.

 

Sa Bocaue, Bulacan, na tinaguriang “Fireworks Capital of the Philippines” mas tumumal daw ang bentahan ngayon ng mga paputok. Ilang tindahan na rin ang nagsara dahil sa pandemya.

 

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), walang suggested retail price (SRP) ang produkto na tulad ng firecrackers at fireworks dahil hindi naman ito itinuturing na basic necessity. Pero may paalala rin sila sa publiko na bibili ng mga paputok.

 

“Just in case may makita tayo in the retail market, please make sure na ito yung label na nakalagay sa packaging: name, brand or trade name, and address of the manufacturer,” ani Trade Usec. Ruth Castelo.

 

“Of course it has to be made in the Philippines dahil bawal ang importation ng fireworks na finished product, that is by laws. It should have warning and precautionary signs, appropriate instructions for use, and then look for Philippine Standard mark issued by DTI.”

 

Naka-alerto na ang Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection para sawayin ang mga magma-mass gatherings at banta ng sunog.

Other News
  • Gobyerno, naglaan ng P3B para sa rehabilitasyon, modernisasyon ng 8 airports sa bansa

    TINATAYANG 8 paliparan sa buong bansa ang makatatanggap ng pondo sa ilalim ng  2023 national budget para isailalim sa rehabilitasyon at pagsasaayos.     Sa kalatas na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi nito na ang  paglalaan ng pondo ay nakaayon sa implementasyon ng  8 airport projects na nakapaloob sa ilalim ng  […]

  • Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na, pinatulan ng Malakanyang

    TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.   Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance […]

  • MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN

    May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office.     Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga […]