‘Di magdedeklara ng martial law kahit tumataas ang COVID-19 cases sa Phl – Lorenzana
- Published on January 8, 2022
- by @peoplesbalita
Mariing itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang lumulutang ngayon sa social media hinggil sa pagpapatupad ng martial law upang sa gayon masolusyunan ang panibagong surge ng COVID-19 cases sa bansa.
Binigyan diin ni Lorenzana na hindi totoo ang mga balitang ito gayong wala naman talagang compelling reason para magdeklara ng martial law.
Ayon kay Lorenzana, na chairman din ng National Task Force Against COVID-19, ang 17,220 na bagong COVID-19 infections na naitala kahapon, Enero 6, 2022, ay mas mababa naman sa naitalang mahigit 26,000 noong 2021.
Dagdag pa niya na kahit mas nakakahawa, ang Omicron variant, na siyang pinaniniwalaang nasa likod nang pagsirit ng COVID-19 cases, ay hindi ganon kabagsik kumpara sa Delta variant.
Samantala, pinag-aaralan pa aniya sa ngayon ng IATF ang posibilidad na magpatupad ng mas mahigpit na mga restrictions sa National Capital Region.
Kahapon, pumalo na sa mahigit 2.8 million ang COVID-19 tally sa Pilipinas matapos na makapagtala ng 17,220 na bagong infections.
Mga pharmaceutical companies handang magsuplay ng mga gamot na nagkukulang sa mga botika – DTI
Nagbigay na ang katiyakan ang Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong kakayahan ang mga local pharmaceutical companies na mapunan ang pangangailangan ng mga Filipinos na paracetamol at ibang mga over-the-counter na gamot.
Kasunod ito sa reklamong natatanggap ng ahensiya na nagkakaroon ng kakulangan ng suplay ng nasabing mga gamot sa iba’t ibang botika sa bansa.
Sa ginawang talk to the people nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na mayroon umanong malaking production capacities ng mga local manufacturers.
Paglilinaw nito na hindi nagkakaroon ng shortage ng mga gamot at sa halip ay nawawalan lamang ng stocks ito sa mga botika dahil sa laki ng demand.
HInikayat nito ang mga mamamayan na huwag magpanic-buying ng mga gamot.
-
Thirdy Ravena, prayoridad pa ring makapaglaro sa Gilas kahit sa Japan na maglalaro
Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas. Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League. Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at […]
-
Okay pa rin ang relasyon kahit balitang naghiwalay na: JANELLA, nakikiusap na bigyan muna sila ng privacy ni MARKUS
NAKIKIUSAP si Janella Salvador na bigyan muna sila ng privacy ni Markus Paterson sa gitna ng balitang naghiwalay na sila. Kelan ay nagsalita na si Markus tungkol sa estado ng relasyon nila. Pero pahulaan pa rin kung sila pa rin ba o kung hiwalay na ba sila? Heto ang sinabi ni […]
-
PBBM, gustong muling pasiglahin ang ‘natutulog’ na PH-Japan biz partnerships
NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling buhayin at pasiglahin ang ”business partnerships” ng Pilipinas at Japan na bahagyang pinatulog ng Covid-19 pandemic. Para sa Pangulo, makatutulong ito para lumago ang ekonomiya ng dalawang bansa. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay binanggit niya sa isang dinner meeting kasama […]