• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thirdy Ravena, prayoridad pa ring makapaglaro sa Gilas kahit sa Japan na maglalaro

Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas.

 

Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League.

 

Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at maglaro sa first division ng Japan Basketball League na isang professional league.

 

Dagdag pa ng SBP president na prayoridad pa rin ni Ravena ang pagiging bahagi ng Gilas Pilipinas.

 

Napabilang kasi si Ravena na naglaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang taon at bahagi rin siya sa first window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers noong Pebrero.

Other News
  • Baril, P280K droga nasabat sa 5 drug suspects sa Malabon at Navotas

    NASAMSAM ng pulisya sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang isang baril at halos P.3 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.       Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim […]

  • P500 na ayuda para sa mahihirap na pamilya, 3-mos. lang kakayaning ibigay ng gov’t – DBM

    INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na sa loob ng tatlong buwan pa lamang sa ngayon ang kayang maibigay ng pamahalaan para sa proposed P500 na buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang Pilipino dahil sa kaunti lamang ang pagkukunan ng pondo.       Sinigundahan ni acting Budget Secretary Tina Canda ang […]

  • ‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t

    Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).     Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.   Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang […]