• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG may sapat na contact tracers dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroon silang sapat na contact tracers lalo na ngayong patuloy muli ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano, na naging agresibo ang mga local government units sa paglaban ng banta ng Omicron coronavirus variant.

 

 

Ipinatupad aniya nila ang Preventioin and Detection, Isolation and Treatment at Rehabilitaion plus vaccination.

 

 

Aabot sa mahigit 80,000 na contact tracers ang ipinakalat nila habang mayroong mahigit 284,000 na mga medical personnel at mahigit 68-K na mga support staff.

 

 

Mayroon aniyang sapat pa rin na isolation at quarantine facilities ang bansa.

 

 

Mahigpit din na sinusunod ng PNP ang kautusan ng Pangulo na magbantay sa mga quarantine hotel para walang makatakas sa mga nakatakdang magpa-quarantine. (Daris Jose)

Other News
  • Batang lalaki nalunod sa Navotas

    Nasawi ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamalawa ng hapon.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Justine Antonio, 9-anyos ng No. 497 Gov. Pascual, Brgy. Daang-Hari.     Sa inisyal na imbestigasyon nina PSSg Levi Salazar at […]

  • VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan

    Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers.     Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas.     Maraming mga […]

  • EO para sa paglikha ng Inter-Agency Body na titingin sa labor cases, oks kay PBBM

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  executive order (EO) na lilikha sa  isang inter-agency committee para palakasin ang koordinasyon at padaliin ang  resolusyon ng labor cases  sa bansa.  Nauna rito, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 23, araw ng Linggo,  na naglalayon din na palakasin at protektahan ang freedom […]