Tradisyunal na pagtitipon, bawal muna – QC LGU
- Published on January 10, 2022
- by @peoplesbalita
LIMITADO na ngayon ang tradisyunal na mga pagtitipon sa lungsod Quezon.
Ito ay dahil ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan ang iba’t ibang uri ng malakihang mga pagtitipon sa lungsod upang maiwasan ang paghahawaan ng COVID-19.
“Dahil inaasahan na natin ang mga pagtitipon sa mga piyesta, Chinese New Year at iba pang pagdiriwang sa mga susunod na buwan, minabuti na nating kumilos agad upang maiwasan na ang mass gatherings na posibleng pag-ugatan ng pagkalat ng COVID-19,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Nagpalabas ng Memorandum No. 02-22 si Belmonte na nagbabawal sa mga aktibidad tulad ng prusisyon, parada, Santacruzan at mga pagdiriwang ng mga barangay tulad ng pista, religious festivals at ibang serbisyo, Chinese New Year at iba pang pagdiriwang sa mga komunidad.
Ibinawal din ang iba pang public celebrations tulad ng mass gatherings, kasama na ang mga fairs, perya, variety shows, fireworks displays, ati-atihan at iba pang public performances.
-
Djokovic bigong makapasok sa semis ng Monte Carlo Masters
Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic. Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya. Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic. Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero. […]
-
Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing
DAHIL sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA). Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay […]
-
Marcos Jr. hinikayat ang Korte Suprema na ibasura ang COC cancelation petition
HINIKAYAT ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na nananawagan na kanselahain ang kanyang certificate of candidacy (COC) na inihain laban sa kanya ng civic leaders. Ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ayon kay Marcos Jr. ang may hurisdiksyon na tingnan ang kanyang “eligibility.’ “[I]t […]