Gobyerno, kailangang manatiling “fully operational” sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 infection
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
SA KABILA nang patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno, kailangan pa ring manatiling “fully operational” ang pamahalaan pang matiyak ang epektibong paghahatid ng pampublikong serbisyo.
Ang pahayag na ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 cases sa mga government personnel, kabilang na ang healthcare workers sa mga pampublikong ospital at miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
“Alam mo, kung bawalan tayo tapos lahat sa gobyerno kasi opisina ‘yan. Opisina por opisina por opisina. So kung may asymptomatic diyan talagang mahahawa. Ngayon if bawalan mo lahat magtrabaho then the machinery of government will stop to grind,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Hindi naman dinetalye ng Pangulo kung anong ahensiya ng pamahalaan ang tinutukoy niya subalit tila ang sarili niyang tanggapan ang tinutukoy niya.
Bilang Ama ng Pilipinas, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng regular public address para “communicate to the people what government is doing.”
Bahagi aniya ng pagiging civil servant ay ang panganib na mahawa ng Covid-19.
“Now, if ma-compromise tayo that’s part of the game. ‘Yan ang trabaho namin. Ngayon, kung magka Covid kami , then so be it. Kasali sa trabaho ‘yan e. Now, kung mamatay ako then so be it,” dagdag na pahayag nito.
Kamakailan ay naglabas ang Malakanyang ng Memorandum Circular No. 94 na nagtatakda sa mga head ng agency na bawasan ang work force sa kani- kanilang mga tanggapan.
Batay sa Memorandum Circular na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, binibigyan ng Central office ang mga Department heads ng awtorisasyon para ipatupad ang gagawing paglilimita sa bilang ng mga kawaning gagawin ang kanilang trabaho sa opisina.
Nakasaad pa rin dito na hangga’t walang kapahintulutan o go signal ang pinuno ng isang Departamento ay hindi maipatutupad ang reduction of on- site workforce.
Kailangan din aniya na matiyak na bagama’t magkakaroon ng pagbabawas ng empleyado na personal na tutungo sa opisina, ay mayruong itatalagang kawani na siyang tutugon sa mga tawag at iba pang immediate concern ng isang government office.
Sinasabing, hindi naman aplikable ang pagbabawas ng empleyado o pansamantalang pagsasara ng tanggapan na ang rason ay dahil magsasagawa ng disinfection.
Pwede aniyang gawin ang nasabing aktibidad pagkatapos ng working hours o sa weekend. (Daris Jose)
-
WHO nakahanap ng mga ebidensiya na mas hindi nakakahawa ang Omicron
Nakahanap pa ng mas maraming ebidensiya ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron coronavirus variant ay labis na naapektuhan nito ang upper respiratory tract. Pero may katamtamang sintomas nito kumpara sa naunang Delta variant. Sinabi ni WHO Incident Manager Abdi Mahamud na maraming mga lumabas na pag-aaral na ang target […]
-
Ortiz nagpapakaabala
DAHIL nakatengga pa ang mga aksyon sa hard court sanhi pandemiya, nagpapaka-busy naman sa iba’t ibang gawain si Philippine SuperLiga (PSL) star Maika Angela Ortiz. Nagbibisikleta, nag-ha-hike na rin sa bundok ang 29 na taon, may taas na 5-10 na Chery Tiggo Crossovers middle blocker at many time national volleybelle nito lang isang linggo. […]
-
Ads May 22, 2021