• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ortiz nagpapakaabala

DAHIL nakatengga pa ang mga aksyon sa hard court sanhi pandemiya, nagpapaka-busy naman sa iba’t ibang gawain si Philippine SuperLiga (PSL) star Maika Angela Ortiz.

 

Nagbibisikleta, nag-ha-hike na rin sa bundok ang 29 na taon, may taas na 5-10 na Chery Tiggo Crossovers middle blocker at many time national volleybelle nito lang isang linggo.

 

“Time out muna sa bike and let’s hike! Making myself busy dahil wala pa ring volleyball kasi dun halos umikot ang mundo ko,” litany ng beteranang balibolista sa kanyang Instagram account.

 

“Sana bumalik na sa normal lahat baka swimming naman isusunod ko, magta-triathlon pa ako char! Nakakapagod din pala libangin ang sarili kaya please po.” (REC)

Other News
  • 56 mangingisdang Navoteños nakatanggap ng bangka at lambat

    AABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.     Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]

  • Warriors pasok na sa NBA Finals matapos idispatsa ang Mavericks sa serye, 4-1

    BALIK NA muli sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos na talunin kanina sa Game 5 ng Western Conference finals ang Dallas Mavericks sa score na 120-110.     Tinapos ng Warriors ang best-of-seven series sa 4-1 record.     Makakaharap ng Warriors sa Finals ang magwawagi naman sa pagitan ng Boston Celtics at […]

  • 2 Pinoy patay sa Turkey quake, 34 iba pa inilikas

    DALAWANG  Pinoy na una nang naibalitang nawawala sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey ang kumpirmadong nasawi sa Antakya, pero sa kabutihang palad ay natuklasang buhay naman ang isa sa mga nawawala.     Una nang ibinalita ng grupong Filipino Community in Turkey na tatlong Pilipina ang hindi mahagilap matapos ang lindol, bagay na pumatay […]