• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga unvaccinated na nagkakasakit, mas anti-life at anti-poor kaysa ‘no-vax-no-ride’- DOTr

PINALAGAN ng Department of Transportation (DOTr) ang turing ng ilang sektor na anti-poor at anti-life ang kautusan nito na “no vax- no ride” o pagbawalan ang mga unvaccinated individuals mula sa pagsakay sa public transportation sa National Capital Region (NCR) habang ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

“Mas anti-poor at anti-life kung mahahawa at makakahawa ang ating mga kababayan dahil sila ay hindi bakunado,” ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran sa isang kalatas.

 

 

“Severe COVID infections caused by non-vaccination result to undue burden on our health care system,” ayon kay Libiran.

 

 

Binatikos kasi ni Labor leader at presidential aspirant Leody de Guzman ang “no vaccination, no ride” sa public transport policy ng DOTr.

 

 

Giit nito, walang legal na basehan at malinaw na paglabag ito sa karapatan ng mga tao.

 

 

Matatandaang, noong Enero 11, 2022, nagpalabas si Transportation Secretary Arthur Tugade ng Department Order No. 2022-001, na pinapayagan ang public transportation access para lamang sa mga fully vaccinated individuals.

 

 

Ang situation status ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng physical o digital copies ng local government unit-issued vaccine card, Department of Health-issued vaccine certification, o anumang Inter-Agency Task Force-prescribed document na may valid government-issued ID na may picture at address.

 

 

Sinabi ni Libiran, na mas mapanganib kung mahahawa ng mga unvaccinated ang public transport personnel.

 

 

“We want to prevent a repeat of the public transport shutdown, like what happened in MRT, LRT and PNR in the past, as most front-facing passengers were infected with the virus,” anito.

 

 

“We are doing everything we can to maintain and keep our public transport operations safe and running,” dagdag na pahayag ni Libiran. (Daris Jose)

Other News
  • After ng bakasyon sa Amerika: ANDREA, nakabalik at naka-quarantine na tama lang sa araw ng Pasko

    NAKABALIK na pala sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa isang buwang bakasyon niya sa Amerika.     Naka-quarantine pa ngayon si Andrea pero nag-share na siya ng video sa kanyang social media account na na-miss niya ang Pilipinas at tama lang daw ang uwi niya para sa nalalapit na Pasko. […]

  • TUPAD ‘di ginagamit sa ‘Cha-cha’ – DOLE

    ITINANGGI ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na gina­gamit ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program kapalit ng pagpapapirma para sa “people’s initiative” na magtutulak sa pag-amyenda sa Konstitusyon.     Kasunod ito ng mga pagbubulgar ng ilang mambabatas na ginagamit umano ang TUPAD para mapapirma ang mga […]

  • Face to face visitation sa mga preso sa mga jail facility, dumaan sa maraming konsiderasyon bago payagan

    MAAYOS  ang inisyal na pagtaya ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa muling pagpapatupad nila ng face to face o in person visitation sa mga bilanggo o persons deprived of liberties.     Sinabi ni Bureau of Jail Spokesman Jail Supt. Xavier Solda na 478 na mga district jail  sa buong […]