• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TUPAD ‘di ginagamit sa ‘Cha-cha’ – DOLE

ITINANGGI ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na gina­gamit ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program kapalit ng pagpapapirma para sa “people’s initiative” na magtutulak sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

 

 

Kasunod ito ng mga pagbubulgar ng ilang mambabatas na ginagamit umano ang TUPAD para mapapirma ang mga benepisaryo sa isinusulong na charter change (Chacha).

 

 

“Hindi po puwede na ipangako po ‘yan dahil mayroon pong proseso—nagkakaroon ng profiling kung eligible ka, at dapat masunod din ‘yung mga requirements sa documentation ng ating Commission on Audit,” paliwanag ni Laguesma.

 

 

Nagpahayag din siya ng kalungkutan na nadadawit ang TUPAD sa mga ali­ngasngas sa Chacha gayung layunin nito na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga kababayan na dumaranas ng hirap.

 

 

Iginiit ng kalihim na may mga “safeguards” na nakalagay sa programa para sa maayos na implementasyon nito, kabilang ang ebalwasyon sa mga benepisaryo at koordinasyon sa mga regional offices at mga lokal na pamahalaan.

 

 

“Ito po ay cash-for-work, hindi po ito ‘yung dole out lamang – ito po’y pinagtatrabahuhan at mayroong minimum at maximum period at lagi po ang sweldo rito ay bumabatay sa exis­ting na minimum wage sa anuman pong rehiyon na mayroong programa ang DOLE na TUPAD,” ayon pa sa Laguesma.

 

 

“Hindi pahihintulutan ng DOLE na kami’y maging kasangkapan sa mga gawaing hindi naman angkop sa batas,” dagdag pa ng kalihim.

 

 

Nagbabala siya sa sinuman na mapapatunayan na ginagamit ang TUPAD sa ibang layunin ay ididiskuwalipika sa paggamit ng pondo ng programa. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil maraming umaasa at gustong matulungan: KAKAI, keber na kahit masabihan na mukhang pera

    SOBRANG saya ang pa-surprise bonding ni Ms. Rhea Anicoche-Tan kasama ang SPEEd officers and members last Friday, July 7, na kung saan nagpa-set up siya ng bonggang dinner na pang-presscon ang dami ng foods and desserts.     Hindi lang ‘yun at may set-up din ng pang-acoustic na puwedeng makipag-jamming. Kaya naman, isang tawag lang […]

  • Nag-promote ng serye at movie nila ni Kathryn: ALDEN, pinasaya ang mga Kapamilya nang mag-guest sa ‘It’s Showtime!’

    PINASAYA ni Alden Richards ang mga Kapamilya dahil guest siya ngayong araw ng Sabado, July 13 sa ‘It’s Showtime!’       Ang nakakatuwa pa kay Alden, paglabas niya onstage ay isa-isa niyang bineso ang mga hosts ng naturang Kapamilya noontime show, minus Vice Ganda na wala sa show at nasa Japan yata?     […]

  • GMRC, IBALIK

    IBA na talaga ang kabataan ngayon. Ang dating madaling kausap, mahirap nang intindihin. Kung gaano kahirap pangaralan, ganu’n naman kadaling maimpluwensiyahan.   Bagama’t, hindi naman kailangang lahatin, pero meron talagang mga pasaway at nakalimutan na ang kagandahang-asal. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ang pagbabalik ng asignaturang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa elementarya […]