Pinsala ni bagyong Odette sa Agri sector , malapit ng pumalo sa P13 bilyong piso —DA
- Published on January 14, 2022
- by @peoplesbalita
MALAPIT nang pumalo sa P13 bilyong piso ang pinsala sa agriculture sector dahil sa naging pananalasa ng bagong Odette.
Ayon sa pinakabagong tally na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA), ang “damage and losses” dahil sa kalamidad ay P12.7 bilyon “as of January 12, 2022.”
Labis na naapektuhan ng bagyo ang 396,585 magsasaka at mangingisda na mayroong volume of production loss na 267,809 metric tons (MT) at 443,419 ektarya ng agricultural areas sa CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.
Winalis din ng bagyong Odette ang mga pangunahing produkto kabilang na ang bigas, mais, high value crops, niyog, tubo (sugarcane), abaca, livestock, at palaisdaan.
“Damage has also been incurred in agricultural infrastructures, machineries and equipment, ” ayon sa DA.
“These values are subject to validation. Additional damage and losses are expected in areas affected by Odette,” anito pa rin.
Naglaan naman ang DA ng P2.9 bilyong halaga ng readily-available assistance na ibibigay sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng kalamidad gaya ng mga sumusunod:
*P1 bilyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar;
*P828 milyon sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) bilang bayad-danyos sa mga apektadong magsasaka;
*P500 milyon sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program of the Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para sa 20,000 magsasaka at mangingisda na may P25,000 kada isa;
*P314 milyong halaga ng rice seeds, P129 milyong halaga ng corn seeds, at P57 milyong halaga ng assorted vegetables;
*P47 milyong halaga ng tulong para sa apektadong mangingisda mula Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR);
*P6.6 milyong halaga ng animal stocks, drugs at biologics para sa livestock at poultry;
*15,000 coconut seed nuts at available funds mula sa Philippine Coconut Authority (PCA)
Sinabi ng DA, ang Regional Field Offices (RFOs) nito ay nagsasagawa na ng assessment ng “damage and losses” sa agri-fisheries sector.
“The DA continuously coordinates with concerned national government agencies, local government units and other disaster risk reduction and management-related offices for the impact of Odette, as well as available resources for interventions and assistance,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
3 Pinoy pa nananatili sa Gaza
TATLONG Filipino pa ang nananatili sa Gaza kabilang ang mag-ama na nasa ospital. Umaasa naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng ANC na mabibigyan ng pantay na proteksyon at tulong ang lahat ng residente ng Gaza maging ang kanilang foreign nationals. Nagpahayag din ng […]
-
YASMIEN, dapat pasalamatan ni ALWYN sa pagkakaayos nila ni JENNICA
PWEDENG pasalamatan ni Alwyn Uytingco ang co-star ni Jennica Garcia na si Yasmien Kurdi sa bagong GMA Afternoon Prime, ang Las Hermanas na mapapanood na simula sa October 25. Although bida-kontrabida silang dalawa rito bilang first kontrabida role nga ito ni Jennica, sa lock-in taping kunsaan, unang sabak muli ni Jennica sa taping […]
-
Papel ng kababaihan sa Pinas ibinida ni Pangandaman
NANANATILI ang commitment ng bansa sa pagtataguyod ng women empowerment, partikular ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng kapayapaan, diin ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng International Conference on Women, Peace, and Security (ICWPS) sa Philippine International Convention Center (PICC), ibinahagi ni Pangandaman ang mga hakbangin ng […]