• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paalala ng CHR: listahan ng mga unvaccinated residents hindi dapat lumabag sa ‘right to privacy’

PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado.

 

 

Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kautusan na maghihigpit sa galaw ng mga tao na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19.

 

 

“With the recent directive of the DILG for barangays to submit a list of unvaccinated individuals in their communities, we hope that this does not result in the breach of the right to privacy of individuals and, more importantly, not restrict the unvaccinated from accessing essential good and services,” ang pahayag ni De Guia sa isang kalatas.

 

 

Binigyang diin nito na ang pagpapanatili sa karapatang-pantao ay mahalagang konsiderasyon sa paglikha at implementasyon ng polisiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

“We cannot use the present pandemic as a justification to set aside pertinent laws and human rights standards meant to protect human rights and dignity in all situations and at all times,” aniya pa rin.

 

 

Kapag available na aniya ang inventory , sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang mga barangay ay maaari nang magpatupad ng paghihigpit sa mga hindi bakunadong tao sa pamamagitan ng ordinansa.

 

 

Ang imbentaryo ay isusumite kada buwan sa DILG, ayon kay Malaya. (Daris Jose)

Other News
  • Biden on Putin: ‘For God’s sake, this man cannot remain in power’

    BINALAAN  ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin na huwag magbalak na lumapit sa teritoryo ng NATO (North Atlantic Treaty Organization).     Sa kanyang talumpati sa pagbisita nito sa Poland, sinabi ng US president na hindi magdadalawang isip ang US at mga NATO members na gumawa rin ng nararapat na hakbang. […]

  • Holdaper na sumapak at sumaksak sa tindera sa Valenzuela, kalaboso

    SHOOT sa selda ang isang holdaper na sumapak at sumaksak sa biniktima niyang tinder ng ‘ukay-ukay’ nang masapol sa kuha ng CCTV camera ang kanyang pagtakas sa Valenzuela City.     Sa ulat ni P/Col Salvador Destura Jr, hepe ng Valenzuela City Police Station kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagpanggap na […]

  • Super Tekla at Michelle, nagkaayos na pagkatapos ng matinding kontrobersya

    NAGKAAYOS na sina Super Tekla (Romeo Librada) at Michelle Lhor Bana-ag base na rin sa kuwento ng nanay ng anak ng komedyante sa programa ni Raffy Tulfo.   Bago nangyari ang pagbabati ay nakatakdang sumalang sa drug at lie detector test si Michelle para malaman kung nagsasabi siya ng totoo bago niya sampahan ng kaso […]