• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARIELLA, ilang beses nang nabigo kaya mas nagiging maingat na at baka muling madulas

KAYA naman daw walang masyadong mabalitaan na lovelife si Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida ay dahil masyado na raw itong maingat at baka muli siyang madulas.

 

Inamin ng beauty queen-actress na ilang beses na raw siyang nabigo sa pag-ibig. Hinalintulad niya ang kanyang lovelife sa isang makintab na sahig. Kapag sobrang kintab daw ng sahig, puwede kang madulas na hindi mo inaasahan.

 

Pero tuwing babagsak daw si Ariella sa kanyang lovelife, hindi raw siya nagpapatalo at agad siyang bumabangon.

 

      “Yung unang dulas talaga ‘yon yung magandang paraan. In love ka kasi, eh. Minsan yung ibang dulas natutuluyan na… talagang higa na. Kailangang bumangon,” diin pa niya.

 

Huling napanood si Ariella sa GMA Afternoon Prime teleserye na Stories From The Heart: The End of Us kunsaan napuri ang pagganap niya bilang other woman.

 

***

 

DAHIL sa pagtaas ng COVID-19 cases, ililipat ng date ang musical show ni Julie Anne San Joe na Limitless Musical Trilogy: Part 3 Rise.

 


      Dapat ay sa February 19 and 20 ang pagpalabas nito at nilipat na ng April 9 and 10. Ang mga nakabili ng tickets for February ay tatanggapin sa April.

 

Mas importante raw na ang priority ay ang kaligtasan ng maraming taong nagtatrabaho sa naturang project.

 

 

Heto ang nilabas ng GMA Synergy sa kanilang Facebook Page:

 

“Hello Kapuso! Due to the recent increasing cases of COVID-19, “Limitless Musical Trilogy – Part 3: Rise,” originally scheduled on February 19 & 20, 2022, will be moved to April 9 & 10, 2022. Our highest priority remains the safety of our artists, staff and everyone working on this project. All tickets sold previously will be honored on the new dates. We thank everyone for their continued support and understanding. We pray for everyone’s safety and good health.”

 

Nagsimula ang Limitless musical trilogy noong September 2021 sa Mindanao. Ang second part ay noong November sa Siquijor.

 

***

 

WALANG makakapigil sa Academy Awards na tuloy ang pamimigay ng parangal sa March 27 sa Dolby Theatre in Hollywood, California.

 

Last year, ginanap ang Oscars sa historic Union Station train station in downtown Los Angeles at small crowd of nominees at guests ang pinayagang um-attend.

 

 

Ang Walt Disney Co. and ABC network ang siyang may hawak ng live airing ng Oscar Awards. At ayon sa ABC Entertainment President Craig Erwich, may napili na silang maghu-host ng awards night.

 

 

Tatlong taon kasing walang napiling host ang Oscars at naging dahilan iyon ng pagbagsak sa ratings noong 2019, 2020 at 2021.

 

 

Maraming netizen ang nagsa-suggest na kuning host for this year’s Oscars ay ang box-office star na sina Tom Holland at Zendaya dahil sa huge success sa global box-office ng Spider-Man: No Way Home.

 


      Nang makarating kay Holland ‘yung request ng netizens, sagot niya ay: “I would love to host the awards. If they ask me to, I would, and it would be very fun.”

 


      Mga huling nag-host ng Academy Awards ay mga comedians na sina Jimmy Kimmel, Chris Rock at Ellen DeGeneres.

 

Nominations for the Oscars will be announced on February 8.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Papal nuncio: Pope Francis, posibleng magtalaga na ng bagong Manila archbishop

    Naniniwala si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na posibleng magtalaga na si Pope Francis ng posibleng kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa Archdiocese of Manila.     Ayon kay Archbishop Brown, posibleng hindi na raw ito tumagal pa at maaaring maglabas na ng pasya ang Santo Papa.     Nang mag-umpisa […]

  • NBI kumikilos na vs mga nagpapakalat ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ sa social media – Abalos

    Binalaan ni MMDA chairman Benhur Abalos ang mga nagpapakalat sa social media na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.     Ayon kay Abalos, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga aniya’y nanggugulo lang sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na makatulong sa mga residenteng apektado ng […]

  • Makipag-ugnayan, maghanda para sa La Niña

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) sa Maguindanao province na makipag-ugnayan at maghanda para sa La Niña phenomenon.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo […]