• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese nat’ls ang karamihang sangkot sa ‘biggest’ drug busts ng PDEA nuong 2021

INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 10 biggest anti-narcotics operations nuong 2021 at kalahati ng kanilang operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng PDEA, sa limang buybust operations, 13 Chinese suspeks ang sangkot kung saan siyam ang napatay sa ikinasang police operations.

 

 

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang pinaka malaking drug busts na inilunsad nila na kinasangkutan ng mga Chinese nationals ay umabot sa P5.8 billion halaga ng illegal na droga ang kanilang nasabat.

 

 

Batay sa datos, umabot sa P9 billion ang kabuuang halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng ahensiya sa kanilang 10 operasyon nuong nakaraang taon.

 

 

Iniulat ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año nuong buwan ng Disyembre na nasa 74 billion halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng gobyerno at mahigit 319,000 drug suspects ang naaresto sa drug war campaign ng Duterte government mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2021.

 

 

Samantala, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA ang isang drug den sa Blk.16 lot 8 Queen’s Row East Bacoor City, Cavite bandang alas-5:30 ng hapon na nag resulta sa pagkakaaresto sa anim na drug suspeks.

 

 

Nakilala ang mga nahuling drug suspeks na sina: Christian Abad @Aba 30 anyos; Maverick Samonte 45,Jethro Trigueros 21, Vergilio Trigueros Jr. 27, Jomari Guillera 23, Sonny boy Singco 49.

 

 

Batay sa ulat ng mga operatiba kay Director General Wilkins Villanueva, nasabat sa operasyon ang walong piraso na heat-sealed tranparent plastic sachet na hinihinalang shabu at ibat ibang drug paraphernalia.

 

 

Aabot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, na may street value na Php 103,500.00

 

 

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 comprehesive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspeks.

Other News
  • Kaso ng ‘labor abuse’ sa mga food delivery riders, pinaaaksyunan

    Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa.     “Nananawagan ako sa DOLE na aksyunan agad ang hinaing ng ating delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators. […]

  • P15B sa Philhealth naglaho parang bula – Keith

    Aaabot sa ₱15 billion ang ninakaw umano ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ahensya gamit ang iba’t-ibang maanolmalyang paraan, ayon sa dating opisyal nito.   Ayon sa nagbitiw na anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith, naniniwala siyang ito ang halaga na ninakaw ng mga umano’y mafia sa ahensya.   “Naniniwala po […]

  • P14.1B ginastos ng gobyerno sa PPEs, med equipment vs. COVID-1

    Gumastos ang pamahalaan ng P14.1 billion para sa pagbili ng protective gear, test kits, at medical equipment bilang bahagi ng pagsisikap ng bansa para mapigilan ang COVID-19. Sa halagang ito, P12.1 billion ang napunta sa pagbili ng 6,062,019 personal protective equipment (PPE) sets habang ang P1.6 billion ay ginamit naman sa pagbili ng 9 na […]