• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Booster shot sa mga COVID survivors mas pinaaga – DoH

MAAARI nang magpaturok ng booster vaccine ang mga breakthrough COVID-19 patients o fully vaccinated ngunit tinamaan pa rin ng naturang virus.

 

 

Matatandaang dati ay naghihintay muna ng ilang buwan, bago mabakunahan ang isang nagpositibo sa SArS-CoV 2.

 

 

Pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kapag nawala na ang sintomas at natapos na ang isolation period ay maaari na itong tumanggap kaagad ng booster shot.

 

 

Sa isang Inter-Agency Task Force (IATF) resolution, ang sinumang tinamaan ng mild Coronavirus symptoms, mapa-healthcare worker man o hindi, kinakailangan itong mag-isolate ng pitong araw mula sa dating sampung araw.

 

 

Kapag moderate cases, sampung araw habang kapag severe infections naman ay 21 araw simula nang maramdaman ang sintomas.

 

 

Dagdag pa ni Vergeire, mahalaga ang agarang booster shot upang magkaroon muli ng proteksyon laban sa COVID-19 lalo na’t hindi nawawala ang banta ng reinfection.

Other News
  • Sinopharm booster, walang side effects kay PDu30- Nograles

    HINDI nakaranas ng kahit na anumang masamang epekto si Pagngulong Rodrigo Roa Duterte matapos na makatanggap ng kanyang Sinopharm booster shot laban sa COVID-19.     Ito’y sa kabila ng wala pang data ang makapagpapakita na ang Sinopharm ay “appropriate booster.”     “Wala naman pong masamang epekto kay President Duterte [ang Sinopharm] sa pagkakaalam […]

  • 3 sa 4 na close contact ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12, negatibo; 1 nakaalis na ng bansa

    NATUKOY na apat lamang ang close contact sa Quezon City ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.     Nilinaw ni Dr. Rolly Cruz, head of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang reports hinggil sa 9 na residente na nagkaroon umano ng contact sa 52 anyos na dayuhang mula sa Finland na nakumpirmang […]

  • ‘Face shield scam’ iniimbestigahan na

    Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.”   Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta.   Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa […]