‘Face shield scam’ iniimbestigahan na
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.”
Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta.
Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa kanilang Cyber Financial Unit ang nasabing asunto at kasalukuyang ginagawan na ng aksiyon.
Inaalam din nila kung may nagmamanipulate sa demand sa face shield gayundin sa presyo nito.
Siniguro ng ACG na mananagot sa batas ang mga nananamantala sa kasalukuyang sitwasyon.
Pinaalalahanan naman ng PNP ACG ang publiko na mag-ingat at suriin munang maigi ang mga pinapasok na online transactions.
Para sa mga may reklamo, maaring magtext o tumawag sa numerong 0998-598-8116 o pumunta sa website na http://acg.pnp.gov.ph at i-click ang e-complaint icon. (Ara Romero)
-
Newest global pop idol, sisibol sa ‘Be the NEXT: 9 Dreamers’: SANDARA, excited sa challenge bilang main host ng K-pop survival show
INIHAYAG na ng TV5 at MLD Entertainment PH ang ‘Be the NEXT: 9 Dreamers’ sa isang star-studded media launch na ginanap noong Enero 20 sa Novotel, Quezon City. Minarkahan sa naturang event ang opisyal na pagsisimula ng countdown sa premiere ng inaabangang K-pop survival show sa ika-8 ng Pebrero 8. Pinagsama-sama sa show ang 75 […]
-
Thirdy Ravena handa pa ring maging bahagi ng Gilas Pilipinas
Handa pa ring maging bahagi ng Gilas Pilipinas si Thirdy Ravena anumang oras sakaling tawagan siya ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP). Kasunod ito ng pagpirma nito ng multi-year extension sa San-En NeoPhoenix team ng Japan. Paliwanag pa nito na wala siyang sama ng loob kahit na hindi siya nakasama sa […]
-
DA, umangkat ng 21K metriko toneladang sibuyas para ngayong holiday season
UMANGKAT ang Department of Agriculture (DA) ng 21,000 metriko tonelada ng sibuyas upang matugunan ang mataas na demand ngayong holiday season. Sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI) na umangkat ang Department of Agriculture (DA) ng 17,000 metriko toneladang pulang sibuyas at 4,000 metriko toneladang dilaw na sibuyas mula sa China, India at […]