• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghaharap nina Covington at Masvidal itinakda na sa Marso 6

INANUNSIYO ng Ultimate Fighting Champion (UFC) ang nalalapit na paghaharap ng dalawang kilalang pangalan sa mixed martial arts.

 

 

Ayon sa UFC na kanilang inaayos na ang laban ni UFC interim welterweight champion Colby Covington laban kay fan-favorite Jorge Masvidal.

 

 

Gaganapin ang UFC 272 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA sa Marso 6.

 

 

Dating malapit na magkaibigan ang dalawa hanggang nagsimulang magbato ng mga masasakit na salita si Masvidal kay Covington.

 

 

Si Covington na mayroong record na 16 na panalo at tatlong talo ay kagagaling sa panalo laban kay UFC welterweight world champion Kamaru Usman noong Nobyembre sa pamamagitan ng unamimous decision.

 

 

Habang si Masvidal ay dumanas ng makasunod na pagkatalo laban kay Usman na ang huli ay ang reel-knockout main event sa UFC 261 noong Abril 2021 sa Vystar Veterans Memorial Arena sa Florida, USA.

Other News
  • PDu30, nagtalaga ng bagong Court of Appeals justice

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Executive Director Jennifer Joy Chua Ong bilang associate justice ng Court of Appeals (CA).     Sa panahon na itinalaga si Justice Ong, siya ay undersecretary ng Office of the Appointments Secretary ng Office of the President.     Si Justice Ong, nanumpa […]

  • Never naisip na papasukin ang pulitika: WALLY, mas enjoy talaga na magpatawa kesa kumanta

    MATAGUMPAY ang concert tour nina Wally Bayola at Jose Manalo sa Canada na kung saan tatlong shows ang ginawa nila para sa mga Pilipinong naka-base sa Vancouver, Calgary at Saskatoon.     Mainit nga ang pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy roon na nasabik sa Filipino performers matapos mahinto ang mga events dahil sa pandemya […]

  • 2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu

    DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 […]