• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsunami dahil sa pagsabog ng bulkan sa Tonga naramdaman sa Japan at California

NARAMDAMAN ang pagtaas ng tubig sa karagatan ng Japan at California dulot ng bahagyang tsumani dahil sa pagputok ng underwater volcano sa Tonga.

 

 

Unang pumutok ang Hunga-Tonga-Hunga-Ha’apai volcano na matatagpuan sa Fonafo’ou island sa Tonga noong Biyernes na sinunda nitong Sabado.

 

 

Nagpakawala ng makapal na abo, gas at kumukulong usok na may taas na 20 kilometro sa ere ang nasabing sumabog na bulkan.

 

 

Nagdulot din ng tsunami sa Tongatapu ang capital ng Tonga kung saan mabilis naman na inilikas ang mga mamamayan sa mataas na lugar.

 

 

Unang itinaas ang tsunami warning sa Japan at sa western California subalit tinanggal din ang warning matapos ang ilang oras.

Other News
  • 6 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust

    ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang nalambat matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City.   Ayon kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, dakong 7:10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) […]

  • Pagsasara sa lahat ng mga negosyo sa bansa, “disaster” sa Phil. economy- PDu30

    ISANG malaking “disaster” o sakuna sa ekonomiya ng Pilipinas kung isasara ang lahat ng mga negosyo sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.   Ang pahayag na ito ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay matapos niyang aprubahan ang rekumendasyon ng Inter-agency Task Force (IATF) na ilagay ang Metro […]

  • Pagtakbo ni RICHARD bilang congressman, nakaapekto sa taping at airing ng serye nila ni HEART

    DAHIL sa pagtakbo ni Richard Yap bilang congressman sa Cebu City sa May 2022 Elections, kinailangan mag-adjust ng production crew ng I Left My Heart in Sorsogon at tapusin agad ang lock-in taping.     Dapat pala ay pambungad sa taong 2022 ng GMA itong teleserye ni Heart Evangelista. Pero nagulat daw sila nang biglang […]