• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust

ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang nalambat matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

Ayon kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, dakong 7:10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation sa B. Cruz St. Brgy. Tangos North na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jonnel Valentin, 28, at Mary Jane Padillo, 36, kapuwa (pusher/ listed).

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 23 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) P156, 400.00 ang halaga, P300 buy-bust money at P300 bills.

 

Bandang 1:45 naman ng madaling araw nang madamba rin ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa Pantalan 1, Pantay-Pantay St. Brgy. Tangos si Generoso Dela Cruz Jr., 45, Alfonso Arag Sr., 50, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 21 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P142,800 ang halaga, buy-bust money at at P500 bill.

 

Nauna rito, dakong 7:30 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU si Marcelino Morillo, 45, welder at Michael Alcordo, 38, mekaniko sa buy- bust operation sa Gulayan St. Brgy. San Jose.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 5.9 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P40120 ang halaga, P300 buy-bust money at P300 bill. (Richard Mesa)

Other News
  • MANCAO, ITINALAGANG CYBERCRIME CENTER CHIEF

    ITINALAGA si dating police officer Cezar Mancao II bilang chief ng Cybercrime center.   Ito ang kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan si Mancao ay executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).   Sa kabila nito, hindi alam ng DICT kung kelan magsisimulang manunungkulan si Mancao sa kanyang […]

  • Ads October 29, 2020

  • HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ

    FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.     Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata.      Nagkaroon kasi […]