Pamilya ni ANNE, enjoy kahit sobrang lamig sa Finland at tila wala pang balak na bumalik
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
TILA wala pang balak na bumalik ng Pilipinas ang pamilya ni Anne Curtis dahil mula sa France ay nasa Finland na sila ngayon.
At parang hindi apektado si Anne, ang mister niyang si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia sa freezing temperature sa Lappi, Finland dahil feeling Christmas vacation pa rin sila.
Nag-enjoy kasi si Dahlia sa kanyang Winter Wonderland vacation habang namamasayal ito sakay ng sleigh na hinahatak ng reindeers.
Postcard perfect nga ang mga pinost na photos ni Anne sa kanyang Instagram ng mga scenic views ng Finland, kasama pa rito ang pagbabad ng aktres sa isang warm pool na naka-bikini kesehodang puti ang paligid niya dahil sa snow.
Caption pa ni Anne: “The cold never bothered me anyway.”
Wala namang balita na nagkasakit ang Heussaff family dahil sa Omicron variant.
***
NAGULAT si Geneva Cruz nang bigla siyang sitahin ng kanyang anak na si London sa isang eksena niya sa Little Princess.
Bukod sa kanyang pagiging kontrabida, sinita si Geneva dahil sa paninigarilyo nito sa eksena.
Pinaliwag ni Geneva na acting lang daw lahat nang ginagawa niya sa teleserye.
Pero dahil bata ang kausaup, ang tanong ni London sa kanyang mommy a, “Why do you have to be mean?” at sinabi pa nito na, “Smoking is bad.”
Sagot ni Geneva, “Mommy’s work is to pretend on TV. Mommy doesn’t smoke, okay? I wasn’t really smoking.”
Natutuwa naman daw si Geneva sa pagiging observant ng kanyang anak. Iniisip din niya kung ang magiging reaction ng mommy niya kung sakaling buhay pa ito. Pumanaw last year ang ina ni Geneva dahil sa COVID-19.
“My mom was such a big teleserye fan. I can just imagine yung magiging reaction niya kung mapapanood niya ako sa first teleserye ko. I know na magugustuhan niya itong Little Princess if she was still here with us.”
***
KINABOG pa rin ni Taylor Swift ang lahat ng female musicians last year dahil siya lang ang kaisa-isang babae na pasok sa listahan ng Top 10 Highest Paid Musicians of 2021 ng Rolling Stone’s magazine.
Ayon sa music publication, kumita ng $80 million last year si Taylor. Dahil ito sa pag-top sa album charts ng kanyang re-recorded albums na Red (Taylor’s Version) at Fearless (Taylor’s Version) na naging number 2 at number 4 respectively in total sales noong 2021.
Magkasunod lang sila ng The Voice coach and country singer na si Blake Shelton na may kita na $83 million.
Ang nasa number one spot ay si Bruce Springsteen with $590 million earnings last year. Kasama rin sa Top 10 ay sina Jay-Z ($470 million), Paul Simon ($260 million), Kanye West ($250 million), Ryan Tedder ($200 million), Red Hot Chili Peppers ($145 million), Lindsey Buckingham ($100 million), at Mötley Crüe ($95 million).
(RUEL J. MENDOZA)
-
Call center agent tumalon mula sa 3rd floor ng bahay, patay
NASAWI ang 22-anyos na dalagang call center agent matapos umanong tumalon mula sa bubong ng kanilang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Sa report ni police investigator PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. San […]
-
Pagpapasinaya sa Bicol International Airport, pinangunahan ni PDu30
Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na masaya siya na naging bahagi at kasama sa inagurasyon ngayon ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay. Ang pagkumpleto aniya ng world-class state ng gov’t infrastructure project ay nagbigay sa pamahalaan ng karangalan at kasiyahan dahil makapagbibigay […]
-
Ads September 5, 2023