DOTr, pagmumultahin ang mga lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) line agencies ang mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) kapag napatunayang lumabag sa “no vaccination, no ride policy” sa National Capital Region (NCR), simula araw ng Martes.
Sa Viber message, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na ang mga traffic enforcers mula sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine National Police (PNP) – Highway Patrol Group (HPG) ay kasalukuyan nang nagbibigay babala laban sa mga violators.
Gayunpaman, ang mga traffic enforcers sa ilalim ng ilang local government units (LGU) ay nagsimula nang magpatupad ng “fines and penalties.”
“LGUs are not under DOTr. They are operating and issuing tickets in line with their respective ordinances,” ayon kay Libiran.
Sa ilalim ng LTFRB, sinabi ni Libiran na ang PUV drivers at operators na lalabag sa mandatory vaccination policy ay pagmumultahin ng P5,000 para sa first offense at P10,000 para sa second offense at i- impound ang kanilang PUV sa loob ng 30 araw.
Para sa third offense, ang mga pasaway na drivers at operators ay pagmumultahin ng P15,000 at sususpendihin o kakanselahin ang kanilang prangkisa.
Ang implementasyon ng mandatory vaccination policy sa public transportation ay opisyal na nagsimula, araw ng Lunes sa pamamamagitan ng joint operation ng I-ACT kasama ang PNP at LTFRB sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR). (Daris Jose)
-
Libreng face mask, nais ni PDu30 na ibigay sa mga mamamayang Pinoy
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nais niyang bigyan ng pamahalaan ng libreng face mask ang mga mamamayan upang matiyak na susunod ang mga ito sa COVID-19 safety protocols. “Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna — it’s the mask. Eh iilang gamit lang ‘yan. But iyong iba lumang-luma eh isang […]
-
Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat – NWRB
TINIYAK ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa. Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit nito. […]
-
Pinas, ipinaabot ang imbitasyon sa Japan na sumali sa Balikatan 2025
IPINAABOT ng Pilipinas ang imbitasyon nito sa Japan na magpartisipa sa Balikatan military exercises sa susunod na taon sa pagitan ng mga military ng Pilipinas at Estados Unidos. Sinabi ni Col Michael Logico, tagapagsalita para sa 2024 Balikatan Exercises, na nagpahayag ng interest ang Japan na sumali sa annual joint exercises mula pa […]