• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte, Go pinuri ang modernisasyon ng Navotas Fish Port Complex

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Navotas City Congressman John Rey Tiangco kay President Rodrigo Roa Duterte at Senator Bong Go sa kanilang suporta na naging daan para sa modernisayon ngt Navotas Fish Port Complex (NFPC).

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang kanyang House Bill 875 na naipasa na at naaprubahan sa lower chamber ay magpapaganda at magpapanumbalik sa 46-anyos na NPFC.

 

 

Aniya, ang pagpapabuti, rehabilitasyon at modernisasyon ng fish port complex ay dapat ganap na makumpleto sa loob ng limang taon mula sa bisa ng batas.

 

 

“Nagpapasalamat po tayo kay Pangulong Duterte at Senator Go sa kanilang pagsuporta sa proyektong ito na talagang makakabuti para sa mga kababayan nating mga Navoteño”, ani Cong. Tiangco.

 

 

Pinuri rin ng mambabatas ang lahat ng bumubuo ng Philippine Fisheries and Development Authority (PFDA) sa pamumuno ni General Manager Glen Pangapalan sa kanilang mahusay na pamamahala kaya naaprubahan ng National Economic Development Authority ang modernisasyon ng NFPC.

 

 

Dagdag niya, ang mga dating lubog na kalsada sa loob ng NFPC ay sinimulan ng taasan, nasimulan na rin ang expansion ng Pier 2, 3 at 4, ginagawa na rin ang Market 3.

 

 

Marami pa aniya ang kasama sa plano, bagong ship repair yard, pagpapalaki ng pier 5 at iba pang pasilidad para sumuporta sa mga mangingisdang Navoteño at sa industriya ng pangisdaan.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Mayor Toby Tiangco na ipagpapatuloy niya ang pagsuporta sa nasimulang modernisasyon ng NFPC na maghahatid ng mas maraming oportunidad ng hanapbuhay at trabaho para sa mga Navoteño. (Richard Mesa)

Other News
  • Allysa Valdez bumandera sa national team na sasabak sa SEA Games

    BUMANDERA ang pangalan ni Alyssa Valdez sa volleyball player na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), makakasama niya ang isa pang volleyball star na si Jia Morado, Jaja Santiago at Kalei Mau.     Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara na mayroong […]

  • ANGKAS at JEEPNEY DAPAT na rin ba PAYAGAN?

    Dalawang mode of transportation ang pinag-aaralan kung dapat na nga ba payagan  pumasada sa GCQ at MGCQ.  At parehong pang masa ang mga nasabing transportasyon – ang motorcycle-taxi at ang jeepney.   Marami nang mambabatas at mga lokal na opisyal ang nagsasabi na payagan na ang mga ito pero ang mga transport at health officials ay duda […]

  • SRA ng healthcare workers naipamigay na

    Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na naipamahagi na nila ang ‘special risk allo­wances (SRA)’ ng batches 3 at 4 ng mga healthcare workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Sinabi ni Duque na aabot sa P617.2 milyon ang kabuuang halaga ng SRA na kanilang naipamahagi sa kabuuang 48,226 HCWs nitong Oktubre […]