• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinopharm booster, walang side effects kay PDu30- Nograles

HINDI nakaranas ng kahit na anumang masamang epekto si Pagngulong Rodrigo Roa Duterte matapos na makatanggap ng kanyang Sinopharm booster shot laban sa COVID-19.

 

 

Ito’y sa kabila ng wala pang data ang makapagpapakita na ang Sinopharm ay “appropriate booster.”

 

 

“Wala naman pong masamang epekto kay President Duterte [ang Sinopharm] sa pagkakaalam namin,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Ang pahayag na ito ni Nograles ay tugon sa tanong sa kanya kung bakit Sinopharm ang ginamit na booster kay Pangulong Duterte kahit hindi pa naman inirerekomenda ng vaccine experts panel ng bansa ang Sinopharm bilang booster dahil sa kakulangan ng data kapwa mula sa ibang bansa at manufacturer ng Chinese vaccine.

 

 

“The vaccine given to the President, including his primary dose [of two-dose Sinopharm] is between him and his personal physician,” ayon kay Nograles.

 

 

Gayunpaman, hindi naman masabi ni Nograles ang timeline kung kailan ilalabas ng mga eksperto ang kanilang rekomendasyon kung ano ang nararapat na booster para sa Sinopharm na itinurok din sa publiko.

 

 

“Our experts panel are in touch with the Sinopharm manufacturers for the data so that the proper recommendation for its booster can be issued as soon as possible,” ayon kay Nograles.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Nograles na nabigyan na ang Chief Executive ng booster shot laban sa COVID-19 at iyon nga aniya ay Sinopharm.

 

 

“Sa declaration niya kagabi sa Talk to the People, it appears na nakapag-booster na si Pangulo at Sinopharm ang nagamit,” ayon kay Nograles noong Enero 7. (Daris Jose)

Other News
  • CAAP patuloy na iniimbestigahan ang pag-overshot ng Korean Air sa runway ng Cebu-Mactan International Airport

    PATULOY na inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sanhi ng pag-overshot ng Korean Air Lines sa runway ng Mactan-Cebu International Airport nitong gabi ng Linggo.     Agad na dinala sa iba’t-ibang hotel ang mga pasahero habang inaayos pansamantala ang malilipatan ng mga ito.     Sa inisyal na imbestigasyon ang […]

  • Ads March 19, 2022

  • SSS may condonation program sa mga employer

    NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga emplo­yers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon.     Kaugnay nito, hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga delinquent employers na ayusin […]