• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Garantiya ng Malakanyang, may mananagot sa NBP incident; imbestigasyon, nakakasa na

SINABI ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Karlo Nograles na may isinasagawa ng “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident.

 

 

Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente.

 

 

“Yes. Of course , mayroon tayong mga procedures na sinusunod diyan kapag nagkakaroon ng ganiyang klaseng mga pangyayari, a full investigation is already under way,” ayon kay Nograles.

 

 

Aniya, may mga rekomendasyon base sa imbestigasyon at “those who will be found responsible will be penalized.”

 

 

Sa ulat, tatlong inmate ang nakatakas mula sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison nitong madaling araw ng Lunes, ayon sa pulisya.

 

 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Muntinlupa police, tumalon ang mga pugante mula sa path walk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4.

 

 

Kinilala naman ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga pugante bilang sina:

 

– Arwin Villeza, 35 (homicide at attempted homicide)

 

– Drakilou Yosores Falcon, 34 (robbery at homicide)

 

– Pacific Villaruz Adlawan, 49 (frustrated homicide at illegal drugs)

 

 

Pawang armado ang mga nakatakas na preso, na nakasuot ng BuCor shirts.

 

 

Dinala naman sa pagamutan ang mga jail guard na nasugatan sa barilan. (Daris Jose)

Other News
  • Spot report ng Sulu PNP sa pagpatay sa 4 sundalo ‘fabricated’ – army chief

    Hindi katanggap-tanggap at nakakagalit ang inilabas na spot report ng Sulu PNP hinggil sa pagkakapatay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel ng mga pulis sa Jolo,Sulu.   Tinawag ni Philippine Army Commanding General, Lt Gen. Gilbert Gapay na fabricated ang report at “full of inconsistencies at very misleading.”   Naniniwala si Gapay na […]

  • Gobyernong Duterte, determinado na pigilan na mawala ang isa pang teritoryo sa WPS

    DETERMINADO ang pamahalaan na pigilan ang pagkawala ng isa pang teritoryo matapos palayasin ng mga coast guard authorities ang Chinese vessels mula sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea.   Pinuri ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pinakahuling hakbang ng coast guard, sabay sabing ang bansa ngayon ay nagpapalayas ng mga foreign vessels mula sa […]

  • Supportive naman at ‘nakikialam’ in a good way: LA, never nagka-problema sa mommy niya sa naging girlfriends

    HINDI raw nagkaroon ng problema si LA Santos sa pagitan ng mommy Flor Santos niya at sa mga naging girlfriends niya dati.     Natatawang lahad ni LA, “Ano naman po si mommy, parang never naman akong nagkaroon ng eksena na ayaw niya yung girlfriend ko.     “Kasi po, magaling akong pumili ng girl […]