• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spot report ng Sulu PNP sa pagpatay sa 4 sundalo ‘fabricated’ – army chief

Hindi katanggap-tanggap at nakakagalit ang inilabas na spot report ng Sulu PNP hinggil sa pagkakapatay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel ng mga pulis sa Jolo,Sulu.

 

Tinawag ni Philippine Army Commanding General, Lt Gen. Gilbert Gapay na fabricated ang report at “full of inconsistencies at very misleading.”

 

Naniniwala si Gapay na pinatay ang kanyang mga tauhan at hindi misencounter ang nangyari.

 

Walang armas ang mga sundalo ng pagbabarilin ng lima sa siyam na pulis at saka tumakas.

 

” We find the report fabricated, full of inconsistences parang sine and very misleading, it happens, we could accept it because this is a part of our job, we get killed in performing our job, we get killed in performing our job but getting unnecessarily killed in the hands of your partners its different, its something that that can be prevented,” pahayag ni Gapay.

 

Aniya, walang sagupaan na nangyari at hindi nagpaputok ang mga sundalo.

 

Hindi napigilan ni Gapay ang kaniyang galit at inaming masama ang kaniyang loob hinggil sa insidente.

 

Aniya, gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo

 

Ayon kay Gapay, nawalan siya ng apat na magagaling at beteranong army intelligence officer.

 

Nagbigay na ng kanilang testimonya ang mga testigo.

 

Binigyang-diin ni Gapay, batid ng mga sundalo na parte sa kanila na sila ay mamamatay dahil sa kanilang trabaho pero kapag pinatay ng walang katuturan, ibang usapan aniya ito na sana ay maaaring maiwasan.

 

Nakakuha na rin ng kopya ang militar ng CCTV footage.

 

Naka sibilyan ang apat na sundalo dahil sa may minamanmanan ang mga ito na terorista.

 

Kinumpirma ni Gapay na may sinusundang dalawang suicide bombers ang mga ito at kanila ng natukoy ang location at kanila na lamang tinutumbok ang eksaktong lugar.

 

Dahil sa insidente, mataas ang tensiyon ngayon sa Jolo kung saan nais sana maghiganti ng mga sundalo pero pinakalma na ang mga ito ng mga military commanders.

 

Siyam na pulis ang tinukoy na responsable sa pamamaril sa apat na sundalo. (Daris Jose)

Other News
  • 7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19

    Negatibo sa COVID-19 ang pito sa walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.     Sinabi ni Health Underscretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang pito na may negatibong resulta.     Nabatid na ang 48-an­yos na ‘returning Filipino’ mula sa Japan ay nagkaroon […]

  • Vintage bombs nadiskubre sa Caloocan

    NATAGPUAN ang hinihinalang mga vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, […]

  • Ads October 17, 2023