• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

300 tauhan ng DOH nagpositibo sa COVID-19

UMABOT na sa 300 tauhan ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa COVID-19 habang nasa 400 naman ang sumasailalim sa ‘quarantine’ dahilan para bumaba ang kapasidad sa paggawa ng ahensya.

 

 

“Marami rin po infected, marami rin po naka-quarantine kaya ngayon po medyo mababa po ‘yung workforce namin. But we are still doing and continuing work,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang trabaho sa ahensya dahil sa matagal na nilang ipinatutupad na ‘skeletal workforce’.

 

 

Inaasahan na marami na sa mga tauhan nila na nasa ‘isolation’ ang babalik sa trabaho dahil sa binagong polisiya at mas pinaiksing ‘quarantine period’ sa mga bakunado na healthcare workers na nalantad o infected ng COVID-19.

 

 

“But because of this new policy direction that we have, ‘yung shift, nakapagbawas na po kami and we are slowly nakakapag-return sa mga bilang ng mga tao sa bawat opisina,” paliwanag ni Vergeire.

 

 

Una nang kinontra ng ­ilang sektor ang pagpapababa sa quarantine period sa mga healthcare workers. Ngunit sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi naman ito sapilitan at maaa­ring magdesisyon ang iba’t- ibang healthcare institution kung susundin ito.

Other News
  • Ex-NBA All-Star Eddie Johnson, pumanaw na sa loob ng kulungan

    PUMANAW sa loob ng kulungan ang dating NBA- All Star player na si Eddie Johnson sa edad 65.   Hinatulang kasi habambuhay si Johson noong 2006 dahil sa pang-aabuso sa isang 8-anyos na batang babae.   Hindi naman ibinunyag ng mga prison offiicials ang sanhi ng kamatayan nito.   May palayaw siya na “Fast Eddie” […]

  • PNP: Pamilya ng broadcaster na si Percy Lapid ‘binabantaan na rin ang buhay’

    INIUTOS na ni Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. na paigtingin ang seguridad ng pamilya ng pinatay na radio broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) sa dahilang nakatatanggap na rin sila ng death threats.     Ito ang ibinahagi ni Azurin, Martes, sa panayam sa kanya ng ANC ilang araw matapos maisama sa […]

  • 18 sa 20 LEDAC bills aprub na sa Kamara

    INIULAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naaprubahan na ng Kamara ang 18 sa 20 panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).     Ayon kay Romualdez, mas maaga ng tatlong buwan sa deadline natapos ng Kamara ang mga panukala na tinukoy na bibigyang prayoridad na maisabatas sa pagpupulong ng […]