• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-NBA All-Star Eddie Johnson, pumanaw na sa loob ng kulungan

PUMANAW sa loob ng kulungan ang dating NBA- All Star player na si Eddie Johnson sa edad 65.

 

Hinatulang kasi habambuhay si Johson noong 2006 dahil sa pang-aabuso sa isang 8-anyos na batang babae.

 

Hindi naman ibinunyag ng mga prison offiicials ang sanhi ng kamatayan nito.

 

May palayaw siya na “Fast Eddie” na naging manlalaro ng Atlanta Hawks mula 1977 hanggang 1986 at dalawang beses na naging bahagi ng NBA -All Star mula 1980-1981.

 

Naglaro din ito sa Cleveland Cavaliers at Seattle Supersonics.

 

Nasangkot sa pagnanakaw, cocaine possession at assault sa mga police officer si Johnson.

 

Dahil dito ay pinatawan siya ng NBA ng lifetime ban noong 1987 dahil sa paggamit ng cocaine.

 

Naaresto siya noong Agosto 2006 ng pasukin niya sa kuwarto ang biktimang 8-anyos na batang babae at doon ginahasa.

Other News
  • Ads November 11, 2020

  • PDu30, nagtalaga ng Crisis Manager sa mga lugar na labis na hinagupit ng bagyong Odette

    PANGANGASIWAAN ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang Crisis Management Group na tututok sa mabilis na paghahatid ng kailangang tulong para sa mga residenteng lubhang tinamaan ng nagdaang bagyong Odette.   Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, partikular na pinatututukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bautista ang Siargao, Dinagat Island at […]

  • Gaballo bagong WBC bantam interim champ

    PASIKLAB uli si dating interim World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Reymart Gaballo nang sorpresang alpasan si Emmanuel Rodriguez ng Puerto via split decision para iuwi sa Pilipinas ang World Boxing Council (WBC) bantamweight interim title sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA nitong Sabado (Linggo sa oras sa Maynila).   Kinopo ng 24-anyos, […]