• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC inilabas na ang P3.3-M pondo para sa lalahok ng Beijing Winter Olympics

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabas ng P3.3 milyon para sa mga lalahok sa Beijing Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4.

 

 

Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na siyang nag-request ng pondo.

 

 

Tanging si Filipino-Americna alpine skier Asa Miller ang nag-iisang manlalaro ng bansa na lalahok sa nasabing torneo.

 

 

Makakasama nito ang sina Chef de Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar, COVID-19 liaison officer Nikki Cheng, athlete and administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at coach nito na si Will Gregorak.

 

 

Ito na ang pangalawang pagsabak ni Miller sa Winter Olympics dahil noong 2018 Games sa PyeongChang, South Korea ay sumali ito sa slalom event.

 

 

Labis ang pasalamat ni Tolentino sa mabilis na pagpapalabas ng PSC ng pondo.

 

 

Magtutungo si Floro sa Beijing sa Enero 27 habang inaasahan na susunod ang ilang deligasyon sa Enero 28.

Other News
  • Saludar vs Paradero sa titulo

    PAGRARAMBULAN nina dating World Boxing Organization (WBO) minimumweight champion Vic Saludar at wala pang talong Robert Paradero ang bakanteng World Boxing Association (WBA) minimumweight title sa Sabado, Pebrero 20 sa pinagpipilian pang lugar – Elorde Sports Center sa Parañaque City o Alonte Sports Arena sa Biñan City.     Parehong hindi lumaban sa buong taong […]

  • Higit P100K droga nasamsam sa 4 drug suspects sa Malabon at Navotas

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat drug suspects matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng […]

  • Express delivery nilooban ng armadong mga holdaper, babaeng kawani binaril, sugatan

    MALUBHANG nasugatan ang isang babae matapos barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kaagad na isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang 26-anyos na biktima na nakatalaga sa cash-on-delivery (COD) remittance ng J & T Express matapos magtamo […]