Saludar vs Paradero sa titulo
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
PAGRARAMBULAN nina dating World Boxing Organization (WBO) minimumweight champion Vic Saludar at wala pang talong Robert Paradero ang bakanteng World Boxing Association (WBA) minimumweight title sa Sabado, Pebrero 20 sa pinagpipilian pang lugar – Elorde Sports Center sa Parañaque City o Alonte Sports Arena sa Biñan City.
Parehong hindi lumaban sa buong taong 2020 ang dalawang boksingero dahil sa Covid-19 na sumuspinde ng lahat ng sports event sa bansa sapul noong Marso dahil sa pinairal na lockdown ng pamahalaan.
Huling nakipagbanatan si Saludar, 30, sa demolisyon kay Mike Kinaandaman via sixth round knockout win noong 2019 sa Naga City.
Galing naman si Paradero, 24 sa first round KO victory kontra Jonathan Almacen sa Malaybalay City sa kaparehas na taong nabanggit. (REC)
-
Mga magwo -walk in sa National Vaccination day, hindi dapat na tanggihan – National Vaccination Operation Center
HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-ins para sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1. Ito ang inihayag ni Dr Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang mga bakunadong Pilipino. Sinabi […]
-
Dalagita, 3 pa, tiklo sa P.3M halaga ng shabu
NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa apat katao kabilang ang isang 17-anyos na dalagita matapos masakote sa drug buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Vincent Young, 25, istambay, Pamela Atienza, 21, saleslady, kapwa ng Brgy. 14, Paul […]
-
Virtual chess, taekwondo first time sa NCAA
Sa kauna-unahang pagkakataon ay idaraos ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang chess at taekwondo sa pamamagitan ng virtual platform. Matapos ang opening sa Hunyo 13 ay sisimulan kinabuksan ang online chess at taekwondo (poomsae at speed kicking) competitions. Napuwersa ang NCAA na gawin ito dahil sa coronavrus disease (COVID-19) pandemic. […]