Hard to tell yet- Herbosa
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections.
Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa Omicron variant ay umabot na sa peak nito at ngayon ay nasa downward trend.
“Mahirap magsabi na ito na nga yung pababa. Although negative nga at bumababa because of the past two days mabilis pa nga yung pagbaba, hindi pa rin tayo nagre-relax. We are still cautious,” ang sagot ni Herbosa.
Aniya, tinitingnan nila ang one-week average daily attack rate at growth rate para i- assess ang trend ng COVID-19 cases.
Sa kabila ng pagbaba ng infections, nagbabala si Herbosa sa posibilidad na ang napaulat na COVID-19 cases noong nakaraang linggo ay magsisimulang maranasan ang problema at komplikasyon at dalhin sa mga ospital.
Dahil dito, ang mga ospital ay naghahanda na para sa ganitong sitwasyon.
Araw ng Miyerkules, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang weekly growth rate ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay pumalo na sa -10%, nagpapakita ng downward trajectory.
Idinagdag pa nito na ang reproduction number sa Kalakhang Maynila ay bumaba na sa 1.79 mula sa 2.07.
“The pattern is very similar to the South Africa experience of a rapid surge followed by a dramatic decrease in infections,” ayon kay David.
Hiniling nito sa publiko na huwag maging kampante at ipagpatuloy lamang na gawin ang basic health protocols. (Daris Jose)
-
Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE
Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho. Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa […]
-
MMDA naniniwalang hindi kailangang ipatupad ang curfew sa NCR
NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Abalos na ito ay dahil sa ang mga residente naman ng Metro Manila ay “self-regulating” sa gitna ng surge ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Paliwanag niya, dahil […]
-
PAGBABAGO SA PROSESO SA PAGBOTO
MAGKAKAROON ng pagbabago sa proseso ng pagboto sa 2022 local and national elections dahil na rin sa patuloy na banta ng coronavirus disease sa bansa. Ayon ito kay Comelec Spokesman James Jimenez dahil ang mga botohan ay may posibilidad na maging sanhi ng pagsasama-sama ng mga tao kaya dapat mayroong mga pagbabago sa […]