• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE

Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho.

 

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa sandaling matapos ang kanilang quarantine.

 

Aniya, kailangan lamang na sumailalim muna ang mga Pinoy crew sa quarantine lalo pa at maraming naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa cruise ship.

 

Nakausap na rin ng DOLE ang Magsaysay Maritime Corporation kung saan siniguro naman ng manning agency na makakasampa muli sa barko ang mga na-repatriate na crew.

 

Sinabi rin ng kalihim na ang mga Pinoy crew ay mapagka-kalooban naman sila ng P10,000 cash aid sa bawat isa.
Kinumpirma ni Bello na sa 538 Pinoy crew ay nasa 80 lamang ang nagpaiwan sa MV Diamond Princess.

Other News
  • Pagtakbo bilang VP, oportunidad na palawakin ang naaabot ng serbisyo- Mayor Sara

    SA kabila ng mahirap na desisyon ay pinakinggan at pinili pa rin ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte ang panawagan na magsilbi sa bansa.   Matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para reelection noong Oktubre 2, patuloy pa rin ang panawagan ng kanyang supporters na tumakbo sa mas mataas […]

  • DepEd bumili ng P2.4 bilyong halaga ng ‘pricey, outdated’ laptops para sa mga guro noong 2021

    BUMILI ang Department of Education (DepEd) ng  P2.4 bilyong halaga ng  “outdated at  pricey laptops” para sa mga guro para sa implementasyon ng  distance learning sa gitna ng  COVID-19 pandemic.     Sa  annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa 2021, napuna ng komisyon ang ginawang pagbili ng DepEd ng P2.4 bilyong […]

  • Ads September 24, 2020