Tongan Olympic player Pita Taufatofua nagsagawa ng fund raising campaign
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng fund-raising campaign si Tonga’s Olympic flagbearer Pita Taufatofua para sa mga kababayan nitong naapektuhan ng pagsabog ng bulkan na nagdulot ng tsunami.
Ayon sa GoFundMe na mayroon ng mahigit $300,000 ang nalilikom nitong donasyon mula sa mga tumulong sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sa kanyang social media account, sinabi ni Taufatofua na nalulungkot ito dahil sa marami sa kaniyang kababayan ang nawalan ng tirahan.
Dagdag pa ng 38-anyos na atleta na kasalukuyan itong nasa Australia na sumasailalim sa pagsasanay ng mangyari ng pagsabog ng bulkan sa Tonga.
Sinabi ni Tongan Prime Minster Siaosi Sovaleni na naging malawak ang epekto ng pagsabog ng bulkan kung saan naapektuhan ang nasa 170 isla ng bansa at mahigit 100,000 katao ang nawalan ng tirahan.
Si Taufatofua ay kumatawan ng Tonga sa taekwondo noong 2016 Rio Olympics at cross-country skiing naman noong 2018 PyeongChang Winter Olympics.
Naging viral ito noong opening ceremony ng 2016 Olympics ng pumarada ito hawak ang bandila ng Tonga na walang damit pang-itaas at pinahiran pa ng langis ang katawan habang nakasuot ng tradisyunal na damit ng nasabing bansa at kahit sa South Korea na malamig ang klima ay ginawa rin niya ito.
Noong 2020 Tokyo Olympics naman ay pumarada rin itong walang damit pang-itaas kasama naman ang co-flag bearer na si Malia Maile Paseka na lumaban sa taekwondo.
Nagsanay din ito sa sprint Kayaking noong 2020 Tokyo Olympics pero hindi siya na-qualified.
Nakagawa rin ito ng record sa kasaysayan dahil siya lamang ang unang tao na sumali sa tatlong magkakasunod na Olympic Games.
-
PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY
IPAGPAPATULOY ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak sa Pilipinas. Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa ngayong July 20 hanggang […]
-
‘Fantastic Beasts 3’ Officially Titled ‘Secrets of Dumbledore’
WARNER Bros. officially announces that Fantastic Beasts 3, now subtitled The Secrets of Dumbledore, will arrive in theaters in April 2022. First launching in 2016, the Fantastic Beasts films have acted as prequels to WB’s film adaptation franchise of J.K. Rowling‘s Harry Potter novels. The plots for the prequels generally center around Newt Scamander, an employee in the Beasts Division […]
-
Gyms at indoor non-contact sports, pinayagan na ng IATF
GOOD news sa mga gym fanatics at mga mahilig sa indoor non-contact sports dahil pinayagan na ng Inter-Agency task Force (IATF) ang mga ito na mag-operate sa 30% venue capacity sa National Capital Region (NCR) Plus areas. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpulong noong Huwebes, Hunyo 10 ang IATF, kung saan pinayagan na […]