• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY

IPAGPAPATULOY  ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund  (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak  sa Pilipinas.

Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang  “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa  ngayong July 20 hanggang  August 2,2020 para sa mga bata mula  edad 5 taong gulang pababa. Mabibigyan din ng polio drops ang mga batang 10 taong gulang pababa.

Samantala, ang bagong immunization campaign  para sa mga batang 5 taon pababa ay magsisimulka  ang yugto  sa Region 3  (Central Luzon)  ngayong araw habang sa Agosto naman sa probinsya ng Laguna, Cavite at Rizal sa Region 4A .

Sinabi ni Health Secretary Francisco  Duque III na ang patuloy  na pagpapatupad ng pagtugon sa polio sa gitna nang nararanasang krisis sa kalusugan  na kinakaharap sa ngayon ay importante upang maiwasan hindi lamang ang epekto nito kundi para mapigil ang pagkalat nito sa panahon ng pandemiya.

“Polio is a vaccine- preventable  disease and we cannot  let our  gains over the years go to waste  by deprioritizing  our polio response. It is  imperative for parents and caregivers to have their  children vaccinated, while strictly adhering  to infection prevention and control protocols ,as we cannot afford to overwhelme our health system  with another outbreak” ayon pa kay Duque.

Ang outbreak ng polio sa bansa ay inanunsyo noong Setyembre 19,2019  kung saan kauna-unahang nakumpirma ang kaso sa isang 3 taong gulang na batang babae mula sa Lanao del Sur. Kasunod nito, 15 pa nakumpirmang may polio mula sa edad na isang taong gulang pababa hanggang 9 taong gulang.

Ang nasabing mga kaso ay natukoy sa Bangsamoro Autonomous Region  of Muslim  Mindanao  o BARMM, Region 12 (Soccsksargen), Region 3 at Region 4A.

 

Ang polio vaccine ay pansamantalang natigil  dahil sa COVID-19 pandemic.

Other News
  • Role ni ALLEN bilang ‘battered husband’, pinaka-challenging sa mga nagampanan

    AYON sa award-winning actor na si Allen Dizon, ang papel niya bilang Olan sa Battered Husband ang isa sa pinaka-challenging na kanyang ginampanan.     “Kasi hinahayaan ko na abusuhin ako ng asawa ko physically, emotionally at psychologically. Hindi ako ganyan sa totong buhay. Hindi ko sinasaktan ang asawa ko at hindi ko rin naman […]

  • Lalaki himas-rehas sa panghihipo sa wetpaks ng dalagita

    REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng 48-anyos na lalaki na dumakma at pumisil sa wetpaks ng isang dalagita matapos siyang maaresto makaraang makahingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay nilang pulis sa Caloocan City.       Sa ulat ni P/MSg Marjun Tubongbanua kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela Police Station, dakong alas-12 […]

  • Metro Manila bike lane network binuksan

    Binuksan noong nakaraang Martes ng Department of Transportation (DOTr) ang P801.83 million na bicycle lane network sa Metro Manila na siyang huling bahagi ng 497-kilometer nationwide bike lane network na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).     “Today marks the end of the long wait of cyclists for safe and quality […]