• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVAX scheme humiling ng $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa

HUMILING ang COVAX scheme ng karagdagang $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa.

 

 

Sinabi ni Gavi vaccine alliance chief Seth Berkley na ito ang kailangan nilang pondo para mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa susunod na tatlong buwan.

 

 

Naabot kasi ng Covax ang bilyon na bilang ng bakuna ang naibigay sa mga bansa noong nakaraang taon matapos na tumaas ang demand ng bakuna noong Nobyembre at Disyembre.

 

 

Kasama kasi ng Gavi ang World Health Organization (WHO) na nangunguna sa COVAX scheme.

 

 

Biden naniniwalang itutuloy ni Putin ang pagpasok sa Ukraine

 

 

Naniniwala si US President Joe Biden na papasukin ng Russia ang Ukraine.

 

 

Sa kanyang talumpati bilang isang taon sa panununkulan, sinabi ng US President na maaaring ituloy ni Russian President Vladimir Putin ang pagpasok sa Ukraine.

 

 

Subalit hindi aniya magsasagawa ng malawakang pag-atake.

 

 

Kasabay din nito ay binalaan ni Biden ang Russia na may katapat na kabayaran sakaling maghasik ng kaguluhan ang Russia sa Ukraine.

 

 

Magugunitang itinanggi ng Russia na lulusob sila sa Ukraine kahit na naglagay na ng mahigit 100,000 mga sundalo nila sa border ng Ukraine.

Other News
  • Sotto nabalewala career-high

    NAWALANG halaga career-high 21 points ni Kai Zachary Sotto sa pagtaob ng Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 93-85, sa pagpapatuloy Lunes (Abril 11) ng gabi ng 44th Australia’s National Basketball League 2022 regular round sa Adelaide Entertainment Center.     Dumausdos ang Pinoy reinforcement at kampo sa 7-17 win-loss slate upang mapirmi pa rin […]

  • May pahiwatig na pagtatambalin sa isang movie: Sweetness nina JERICHO at KATHRYN, marami na ang nakakapansin

    KAPANSIN-PANSIN na sa ginanap na birthday celebration ng kasalukuyang GMA consultant na si Mr. Johnny Manahan na kilalang Mr. M ay halos karamihan ng dumalo ay mga Kapamilya stars.   Sa mga pictures na naglabasan sa nasabing birthday celebration ni Mr. M ay Ilan sa nakikita na present ang mga big stars na sina Piolo […]

  • Super Tekla at Michelle, nagkaayos na pagkatapos ng matinding kontrobersya

    NAGKAAYOS na sina Super Tekla (Romeo Librada) at Michelle Lhor Bana-ag base na rin sa kuwento ng nanay ng anak ng komedyante sa programa ni Raffy Tulfo.   Bago nangyari ang pagbabati ay nakatakdang sumalang sa drug at lie detector test si Michelle para malaman kung nagsasabi siya ng totoo bago niya sampahan ng kaso […]