• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miyembro ng “Rodriguez Drug Group”, 1 pa tiklo sa baril at P102K shabu sa Valenzuela

SHOOT sa kulungan ang dalawang tulak umano ng illegal na droga, kabilang ang isang miyembro ng “Rodriguez Drug Group” matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Batay sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 13 A Malinis St., Brgy., Lawang Bato.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Jocem Dela Rosa na nagpanggap na buyer sa kanilang target na si Ariel Alejo alyas “Aying”, 44, nakatira sa naturang lugar, ng P8,000 halaga ng shabu.

 

 

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCpl Dela Rosa na hudyat na nakabili na sya ng shabu sa suspek ay agad lumapit ang back-up na si PSSg Luis Alojacin saka inaresto nila si Alejo.

 

 

Narekober kay Alejo ang tinatayang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, marked money na isang tunay na P500 bill, isang P500 at pitong P1,000 boodle money, P350 cash, cellphone at coin purse.

 

 

Nauna rito, dakong alas-1:30 ng gabi nang madamda din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Makipot St., Brgy., Malinta si Julio Padua Jr., 49, miyembro ng “Rodriguez Drug Group” at residente ng Malabon city.

 

 

Nakuha sa kanya ang tinatayang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, isang cal. 22 revolver na kargado ng dalawang bala, P500 marked money, P500 cash at cellphone.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang dagdag na kasong paglabag sa RA 10591in relation to Batas Pambansa Bilang 881(Omnibus Election Code of the Philippines) kahaharapin ni Padua. (Richard Mesa)

Other News
  • 1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU

    UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association  mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan.     Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng […]

  • Ads May 31, 2023

  • GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA

    Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas.     Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA.     Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team.     […]