• June 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA

Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas.

 

 

Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA.

 

 

Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team.

 

 

Huling nakibahagi ang Gilas sa PBA ay noong 2011 na binubuo nina Marcus Douthit, Chris Tiu, JVee Casio at Marcio Lassiter kung saan nabigo sila sa Barangay Ginebra sa Commissioner’s Cup.

 

 

Sa ngayon ay abala ang Gilas sa bubble training camp sa Calamba, Laguna para sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

 

 

Nakatakda silang magtungo sa Doha, Qatar sa darating na Pebrero 13.

Other News
  • 2,700 manggagawa maaaring mawalan ng trabaho dahil sa cashless scheme sa tollways

    Maaaring tinatayang 2,700 na manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa expressways dahil sa pagpapatupad ng tuluyang cashless toll collection.   Sinabi ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) president Rodrigo Franco na may 715 na mangagawa sa kanilang 377 toll booths ang maaapektuhan dahil sa paglipat sa cashless scheme sa kanilang mga tollways tulad ng North […]

  • Calabarzon, todo ang suporta kay Leni Robredo

    DAAN-DAANG libong mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo ang dumalo sa kanyang mga people’s rally sa Laguna, Cavite, at Batangas nitong mga nakaraang araw patunay na napakalakas ng kanyang kampanya pagka-Pangulo ilang araw bago ang May 9 national elections.     Ang lahat ng mga tao – kasama ang mga naglalakihang artista ay nanindigan […]

  • NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

    Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.   Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan […]