Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19
- Published on January 22, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo.
“Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po tayo hindi lang dahil kailangan natin sa trabaho, sa lakad o sa ospital. Nakikiusap po ako, huwag po nating isipin na ‘sipon lang’ o ‘ubo lang’ kasi iyon nga po ang COVID-19, ito po ay mga sintomas na, kaya intindihin din po natin ‘yung mga kapwa natin kasi iba-iba po ang lakas ng katawan ng bawat tao, at pwedeng yung iba tamaan ng malala,” ani Fernando.
Sa pinakahuling tala ng Bulacan COVID-19 updates, may kabuuang 10,098 ang aktibong kaso ng COVID-19, kung saan 492 dito ang bagong kaso hanggang Enero 19, 2022. Sa kabuuan, 103,993 na mga Bulakenyo na ang nagpositibo dito habang 1,503 naman ang nasawi sanhi nito.
Ayon sa Sitrep No. 688 na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Epidemic Risk Level sa bawat lokal na pamahalaan nitong Enero 17, 2022, 13 na mga lokal na pamahalaan ang kritikal, 10 ang nasa kategoryang ‘high’ at isa ang ‘moderate’ o katamtaman.
Bukod dito, sa bisa ng Executive Orders No. 1 at No.3 ‘T- 2022 na inilabas ni Fernando, inilagay ang Bulacan sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 31, 2022.
Binigyang diin din ng gobernador ang kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19, anuman ang brand nito.
“Salamat talaga at may bakuna. Dahil sa bakuna mild na lang karaniwan ang nagiging sintomas pero meron pa ring mga hindi bakunado, may mga bata pa, kaya hinihikayat pa rin natin na magpabakuna ‘yung iba, huwag lang po tayong magsiksikan sa mga bakunahan,” ani Fernando.
Nitong Enero 16, 2022, nakapagtala na ang lalawigan ng 4,023,817 dosis na naibakuna kung saan 1,947,467 ang nakatanggap ng unang dosis, 1,883,981 ang tumanggap ng ikalawang dosis habang 192,369 ang nabakunahan na ng booster dose. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Biyaheng SoKor, pwede na ulit
KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga Filipino na bumiyahe patungong South Korea maliban sa buong North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, kung saan ang virus outbreak ay concentrated. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ito […]
-
New gag show na idi-direk nina ERIC at EPY, tribute kay Comedy King DOLPHY
“PANDEMIC Superstars” ang tawag ni Direk Roman Perez, Jr. kina AJ Raval at Sean De Guzman, ang bida sa bagong obra niya titled Hugas na ipalalabas via streaming sa Vivamax simula January 14. Kapwa sinabi nina AJ at Sean na ibinigay nila ang lahat nang kanilang makakaya para mapaganda ang Hugas kumpara sa […]
-
PBBM, dumating na sa LAO PDR para sa ASEAN SUMMIT
DUMATING na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Wattay International Airport para sa four-day 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic of Republic. Dumating ang Pangulo kasama ang Philippine delegation sa airport ng *3:16 PM* local […]